Kabanata 14

1.6K 82 15
                                    

Kulang nalang ay mabingi ako sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pababa ng mansyon. Idagdag mo pa ang pag-iisip na nasa likuran ko lamang si Señora Felicidad at Señora Elvira. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa sobrang kaba. Ramdam ko rin ang mga tingin saakin ni Señora Felicidad. Halatang marami itong nais na itanong saakin.

Kung bakit ako dinalaw ni Primitivo ngayon ay hindi ko rin alam. But now that he's here, does this mean that Inigo and Mang Isko are also safe? Pati na rin ang binibini na sinagip namin kagabi? I stopped at the end of the stairs. Bumungad kaagad saakin ang pamilyar na pigura ni Primitivo.

"Magandang hapon, binibini." bati niya kasabay ng kanyang pagyukod at hinubad pa ang kanyang suot na sumbrero. I gulped really hard.

"M-magandang hapon rin." I bit my inside cheek. Kinastigo ko ang sarili sa isipan dahil sa pagka-utal!

"Isang oras lamang kayo maaaring mag-usap." mahigpit na bilin ni Señora Felicidad. Ang mga mata niya ay nasa akin at lumipat kay Primitivo.

"Maraming salamat po, Señora Felicidad. Masusunod ang inyong bilin..." dumapo saakin ang mga mata ni Primitivo kaya naman nagsimula ulit akong kabahan dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

Ngumiti ito saakin, "Maaari bang sa hardin tayo mag-usap, binibini?" he gave me a knowing look. I bit my lower lip, nodding slowly.

Primitivo smiled and led the way.  Napansin ko ang malisyosang tingin ni Andeng kaya naman mabilis ko siyang inilingan. Noong lingunin ko naman ang dalawang Señora ay mabilis din akong napabawi ng tingin sa sobrang kaba. They are looking at me like I did something unpleasant! Kinagat ko ang ibabang labi at sumunod na lamang kay Primitivo.

"Kamusta? Ano ang nangyari? Ligtas ba sina Inigo? Iyong babaeng niligtas mo?" sunud-sunod kong tanong kay Primitivo pagtapak namin sa hardin.

Mabilis akong napaatras nang bigla siyang huminto sa paglalakad at harapin ako. He's not wearing a smile anymore. Seryoso ang mukha nito dahilan upang mas lalo akong kabahan. May masama bang nangyari?

"Primitivo!" tawag ko dahil hindi pa rin siya nagsasalita, "Ano? May masama bang nangyari?" kinakabahang tanong ko. Umiling siya kaya naman naka-hinga ako ng maluwag kahit papano.

"Nabanggit lamang sa akin ni Inigo na hindi raw siya maaaring magpunta rito dahil na rin sa utos ni Señora Felicidad, kaya naman ako ang nandito ngayon." tumalikod mula saakin si Primitivo at tinanaw ang malawak na hardin ng hacienda.

"Alam ko na ang lahat, binibini. Inihayag ito saamin ng dalagang aking natagpuan sa may kagubatan. Alam na rin ni Inigo ang lahat—"

"Alam ko na rin." pag-amin ko, "At ang babaeng kasama ninyo ay si Soledad, hindi ba?" tanong ko pa, kaya naman mabilis na napalingon sa akin si Primitivo.

"A-alam mo ito, binibini? Papaano mo ito nalaman?" he inquired.

"Narinig ko ang dalawang Señora na nag-uusap sa librerya kanina. Alam ko na sila ang may pasimuno ng lahat ng ito, at ang iyong ama..." I sighed, trying to restrain my anger.

"Si Ibarra. Isa siya sakanila. Sila ang dahilan sa pagkawala ng mga dalagita sa bayan ng San Carlos at ang ilang insidente ng pagpatay..." I clutched at the saya I'm wearing. "Sila ang may kagagawan ng kahayupan na 'to."

"Akin ring nasisiguro na sila rin ang tunay na nagpapatay kay Maria, o baka nga sila pa ang pumatay rito." nakita ko kung paano natigilan si Primitivo sa sinabi ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang kamao nito na nanginginig, marahil sa galit.

Marahas ang ginawa nitong paghugot ng hininga. Nang tumingin siya saakin ay seryosong-seryoso na ang kanyang mga mata. I think twice, because he's so far from the gentle looking Primitivo that I've known him of.

San CarlosWhere stories live. Discover now