Kabanata 15

1.2K 85 16
                                    

A continuous drop of water down my face made me open my eyes. Ano 'yon? Hindi ko naman nakalimutan isara ang bintana ng kwarto. Iginala ko ang paningin sa paligid at tanging malawak at malamig na kadiliman lamang ang aking nakita.

Nasaan ako?

Bumangon ako mula sa madamong aking kinahihigaan. Sandali. Kinapa ko ang lupa at damo nga. Basa ang mga ito at patuloy pa rin sa pagbagsak ang malakas na ulan. Tiningala ko ang kalangitan dahil doon. Nakakapagtaka dahil naroon ang maliwanag at bilog na buwan, gayong umuulan naman.

My view of the moon was dotted with the leaves of the tall trees. Realization hit me. Mabilis akong napabalikwas at tumayo nang matantong nasa gitna ako ng kagubatan. Umusbong ang kaba sa aking dibdib. Why am I here?

Ang huling natatandaan ko ay naging tagumpay ang plano namin sa pagtatakas ng mga dalaga. I immediately went back inside the mansion, in my room, after that.

Bakit nandito ako? Papaano?

Inilibot ko muli ang tingin sa buong paligid. Tanging matataas na puno lamang ang naaninag ko, sabayan pa ito ng malakas na ulan at ang bilog na buwan. The atmosphere feels so eerie. Lumalakas nang lumalakas ang pintig ng puso ko dahil sa ipinaghalong takot at kaba na nararamdaman.

Nahigit ko ang hininga nang may makitang liwanag sa kung saan, sinundan ito ng maraming yapak. Mabilis kong naisandal ang sarili sa malapit na puno upang magtago roon.

Bawat segundo ay palakas nang palakas ang mga yapak, at palapit nang palapit ang mga liwanag. My eyes went wide when I saw a young lady running and behind her are group of men. Hindi ko maaninag ang kanilang mga hitsura dahil sa ulan at dilim, and the dull yellow light coming from the lamp is not enough.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi alam kung ano ang aking gagawin. Lalo na nang makitang natisod ang tumatakbong babae sa naka-usling ugat ng puno malapit saakin. She's now hopelessly lying in front of me. Rinig na rinig ang kanyang hikbi sa kabila ng malakas na ulan. Napalunok ako at ihahakbang na sana ang paa upang tulungan siya, nang makita ko ang grupo ng mga lalaki na nasa likuran na ngayon ng babae.

"H-hindi ko inakala na ikaw... ikaw pa na siyang pinagkatiwalaan ko sa lahat!" pinilit ng babae na bumangon mula sa pagkakadapa upang lingunin lamang ang grupo ng mga lalaki.

Hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa mga ito. Ngunit kitang-kita ko ang sakit, lungkot, at pagka-bigo, sa mga mata ng dalaga, na ngayon ay naaninagan ang mukha sa dalang lampara ng grupo ng mga lalaki.

"P-paano mo nagawa ang lahat ng ito? Sa kabila ng lahat ay n-nagawa mo pa rin na pagtaksilan ako..." nakakabingi ang tibok ng puso ko habang pinapanuod ang mga pangyayari.

"Hindi ko alam kung sino ang mas hayop sainyong dalawa, n-ngunit isang bagay lamang ang sigurado ako..." nanghihinang tumayo ang babae. Her eyes glisten with tears, the rain isn't enough to cover her pain.

"H-hayop ka!" namamaos ang boses nito, "H-hayop ka... hayop ka... ngunit patatawarin pa rin kita dahil m-mahal kita..." she smiled sadly.

Hindi ko napigilan ang pagsinghap sa susunod na nangyari. Isa mula sa grupo ng mga lalaki ang nagtutok ng baril sa babae. My knees tremble at the idea of what will happen next. Lumabas ako mula sa pinagtataguan at dahan-dahang lumapit sakanila.

"Ang tulad ko ay hindi nararapat sa pagmamahal mo," kinasa ng lalaki ang baril. I am already behind the girl. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang sila natinag sa presensya ko. Wala man ni isa sa kanila ang lumingon sa direksyon ko. Para bang hindi nila ako nakikita.

"Patawad, Maria."

A deafening sound of a gunshot woke me up. The sound barreled its way to my consciousness. Napabalikwas ako sa aking kama, hinahabol ang aking hininga. Hinawakan ko ang puso. Sobrang bilis at lakas pa rin ng tibok nito. I gently massaged my temple. That... that was just a dream. Panaginip lamang ito ngunit parang totoo ang bawat pangyayari.

San CarlosWhere stories live. Discover now