Kabanata 18

3.2K 103 64
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Madilim at malamig. Iyon ang aking unang napansin. Napabalikwas ako sa magaspang na sahig na kinahihigaan ko dahil doon. I winced when I felt a pain on my ankle. Napatingin ako sa isang malamig na bagay na nasa paa ko dahil doon. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang makitang nakakadena ang aking kaliwang paa.

Ginapangan nang kaba at takot ang buong sistema ko. Tumayo ako mula sa malamig na sahig at minasdan ang buong paligid. Hindi ko maiwasan ang matakot nang matantong nasa isang apat na sulok na silid ako. Gawa sa magaspang na bato ang buong silid.

I saw glints of sun rays from the small window on the upper part of the room. Naisin ko man na sumilip sa maliit na bintana ay hindi ko magawa. Masyado itong mataas para sa akin at wala rin akong kahit na anumang maaring tuntungan rito.

Napaupo muli ako sa malamig na sahig. Pilit na pinapakalma ang nagwawalang puso. Sinubukan kong alalahanin ang huling nangyari.

I firmly closed my eyes. Images flooded my mind. A courtroom, Inigo's being held by the guardia civil, the sudden entrance of Gabriela Alonso and a huge fire... binuksan ko muli ang mga mata na ngayon ay naluluha na sa sobrang takot at kaba.

I remember someone covering my nose. Yun ang huling nangyari. At paggising ko ay narito na ako. Hindi ko maiwasan ang kabahan sa pag-iisip na baka may dumukot saakin. Dumukot... si Inigo! Nabuhay muli ang pangamba sa dibdib ko. He was given a death sentence! He was also at the court when the fire happened. Hindi ko maiwasan ang mag-alala. What if he got trapped or something?

Naputol ako mula sa pag-iisip nang makarinig nang langitngit ng bakal sa kung saan. Sinundan ng mga mata ko ang tunog na ito at laking gulat ko nang makita ang lalaking pumasok sa silid. Sumunod rito ang dalawang tao na pamilyar na pamilyar saakin.

"Sa wakas ay nagkita tayong muli, binibini." nagsimulang manginig ang aking katawan sa galit at... takot.

"Kamusta ang iyong pakiramdam?" hindi ako nakakibo. Pinanuod ko si Ibarra na ngayon ay nakaluhod sa aking harapan at may nanunuyang ngisi sa labi. Sa kanyang likuran ay naroon si Señora Elvira na may malamig na ekspresyon at si Primitivo na nanatiling walang emosyon.

"Bakit hindi ka makapag-salita, binibini? Tuluyan na bang naputol ang iyong matabil na dila?!" muntikan na akong mapatalon sa gulat sa biglaang pagsigaw niya. Ilang segundo pa ay tumawa siya ng malakas. Kulang nalang ay takpan ko ang tenga nang marinig ang nakakairita at mala-demonyo nitong pagtawa.

"N-nasaan ako?" sa wakas ay naisatinig ko. Tumigil sa pagtawa si Ibarra at muling ngumisi saakin.

"N-na, n-na, n-na? Ikaw ay nauutal. Nanginginig ka rin..." mabilis kong iniwas ang katawan sa kanya nang subukan niya akong hawakan. "Hindi ko akalain na tinatamaan ka pala ng kaba at takot. Sana ay naramdaman mo rin 'yan noong gabi ng Sayawan sa Paraiso bago mo ako ipinahiya sa aking mga mamamayan!"

I wanted to tell him that he deserved it! He deserved to be humiliated, because he's a fucking pig! Pero pinili ko na manahimik na lang. Hindi mainam na painitin ko ang ulo nila, given my hopeless situation.

"At plano mo pa na sirain ang aking negosyo? Ang aking repustasyon?! Mukhang hindi mo yata alam na hindi ko nais sa isang binibini ang maingay at mahilig makialam sa mga bagay na hindi na dapat pinapakialaman," I shivered at his menacing stares.

"Nais mo bang ipaalam ko saiyo ito sa pamamagitan ng paraan ko?" hindi ko maiwasan ang kilabutan nang bigla nitong haplusin ang aking mukha. Iniwas ko ang mukha ko, ngunit napadaing ako sa sakit nang bigla nitong dakmain ang aking pisngi.

"Ang ayaw ko sa lahat ay ang hindi marunong sumunod!" sigaw nito, ang mga mata niya ay nanlilisik habang nakatingin saakin. Hindi ako gumalaw. Hindi ako kumibo.

San CarlosWhere stories live. Discover now