Chapter 2

8.5K 65 7
                                    

(Nakaraan)

"Good Morning Ma'am." bati sa aking ng manong guard sa basement.

"Good Morning din po manong." bati ko rin sa kanya habang hinahanap ang ID ko sa aking bag.

"Hindi po ulit kayo magkasabay ni sir sa pagpasok? Nakita ko po sya kanina e."

Manong, wag mo ng ipaalala sa akin ang lagay ng buhay may asawa ko ha? Kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Hahaha. I smiled and said, "Hindi po. Nakita nyo po pala e."

Dumeretso ako sa elevator at pinindot ang 20th floor. Ganito dito. Everybody thinks na we are a perfect couple. That we love each other so much. Pero the truth? So bitter. Walang kahit ano. We are just married in name. 

Chapter 2

Tara's POV


Nakarating ako ng 20th floor. Bumati ang aking secretary, si Isabel. I was about to open the door to my office ng..

"Tara."

Lumingon ako at nakita ko ang aking mukha ng aking asawa. So handsome. "Oh? Bakit?"

"We need to talk."

"About what?"

"Work."

I shouldn't have ask. Wala naman nga pala tayong pinaguusapan kundi business. I thought.

Pagkatapos niyang magsalita, he walked towards his office. Obvious naman na ang ibig sabihin ay sumunod ako. So I've got no choice. Hala sige, sunod lang. Kung hindi lang siguro suplado at cold itong asawa kong to, minahal ko na to. But then, he does not show any reason para mahalin ko sya and I know, it's vice versa. We may know each other's performance sa trabaho, but sa real life, hindi pa talaga namin kilala ang isa't isa. Yeah, its been 3 years. Pero sa tatlong taon na kasal kami, iisang routine lang ang nangyayari sa araw-araw. Tulog, gising, kain, trabaho.

Nakarating kami sa opisina nya. For sure, mahalaga to. Hindi nya ako sasadyain na puntahan sa office ko kung wala lang to. Isa pa, if this is nonsense, dapat sa secretary ko nalan nya sinabi. I started talking.

"Tungkol san ba to? Sa pagpapatayo ba nung bagong residences sa tagaytay?"

"No. Take a seat."

Umupo kami. "It's about a very big deal. A deal na kailangan nating makuha."

"Deal?"

"This is Mrs. Carolina Villanueva." Kinuha niya ang isang envelope at may inilabas siyang litrato ng isang mid-60 na babae at isang magazine. "She is the editor-in-chief and owner ng isang kilalang magazine."

"What's with her?"

"Isa na syang byuda. Mr. Ross Villanueva, her husband died 5 years ago. Wala silang anak. But then, kilala ang mag-asawa to be sweet and lovable sa mga bata. Since wala silang anak, they donate in foundations, most specially sa mga orphanage. Pero di rin nagtagal, they decided to build and have their own orphanage. But dahil din sa kanilang pagmamahal sa mga bata na naampon sa orphanage nila, hindi nila ito pinapabayaan. They send people para malaman ang kalagayan ng mga batang pinapaampon na sa mga mag-aasawa na hindi nagkakaanak."

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon