Kabanata 6

12 1 0
                                    

Kabanata 6

Gusto Kita

Hindi ako makakilos nang maayos dahil sa nangyari. I admit it, I'm affected for what he'd said.

How can he say that in front of me? How can he say 'good luck' to his cousin in my face? After that kiss? Is that what he really want, huh? Let's see what you've got, Wayne Rigor Escalante.

Bumangon ako sa aking higaan at tiningnan ang mugto kong mata sa harap ng salamin. I wipe away my tears. Taas noo akong lumabas ng aking kwarto.

Isang platong nakataob sa mesa ang aking nadatnan. Nauna nang pumasok si Mama. Si Maki siguro ay naglalaro na naman ng basketball kasama ang kanyang mga kaibigan.

Panigurado ay magugulat si Mama kapag makikita niya ako doon. Ang sinabi ko ay hindi muna ako papasok dahil masama ang pakiramdam ko.

Kinain ko ang  pagkain na nasa mesa at naligo ako pagkatapos. Inayos ko ang aking mukha, naglagay ako ng lip balm at konting polbo. Nakalugay ang aking mahabang buhok, hindi ito tulad ng dati na laging nakapusod.

Tiningnan ko ang aking cellphone na may isang text. I opened it immediately just to find out that Timothy's texted me.

Timothy:

Masama raw pakiramdam mo? Do you want me to join you?

Ako:

No need, Tim. Papasok ako. :)

Timothy:

Are you sure? Ang sabi ni Tita you're not feeling well.

Hindi ko na siya nireply. Nilusot ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking pantalon. I can't wear shorts now, may sugat pa kasi ang tuhod ko. Sayang naman!

Pumara ako ng tricycle at sinabi ang mansyon ng Escalante. Binigyan ko siya ng tamang bayad at bumaba na. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa mansyon.

"Yumi, akala ko ba ay masama ang pakiramdam mo?" salubong na tanong ni mama sa akin.

"Maayos na po ako, Ma. Sige po at papasok na ko sa loob..." sagot ko.

Dumaan ako sa likod at dumiretso ako sa kusina. Nadatnan ko si tita Rebecca na naghahanda ng meryenda.

"Ako na po dyan, tita..." kinuha ko sa kanya iyong cake.

"Oh' ang sabi ng mama mo may sakit ka? Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Opo... kaya ako na po ang bahala dito,"

Tumango siya at iniwan na akong mag-isa sa kusina. Naririnig ko ang mga boses ng magpipinsan sa may living room. Sumilip ako at nakitang abala sila sa panonood ng tv, samantalang si Wayne naman ay tutok sa kanyang cellphone. Mukhang aliw na aliw ito sa katext dahil sa pagngitingiti pa ang gago. Fuck him!

Ganyan rin ba siya kung ngumiti 'nong katext niya ako? Ano ba, Mayumi? You're just hurting yourself. Hayaan mo na siya. He's not worth it.

Nag-slice ako ng cake at inilagay ito sa platito. Inayos ko ito sa isang tray. Nagtimpla rin ako ng orange juice. I breathe deeply.

Taas noo akong naglakad nang may ngiti sa aking labi habang dala ang tray. Nalingunan ako ni Timothy at agad itong lumapit sa akin upang kunin ang aking dala.

"Ako na," aniya.

"Hmmm. Thanks, Tim. Babalikan ko lang 'yong juice..." mabilis akong tumalikod at nagmartsa papuntang kusina.

Nilapag ko ang juice sa center table.

"Upo ka, Yumi..." sabi ni Ate Lisa.

Umiling ako. "Hindi na, ate... babalik na ako sa kusina,"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Coming Back (Pallata series 1)Where stories live. Discover now