Kabanata 2

12 1 0
                                    

Kabanata 2

Disgusting


"Mayumi, namiss kita..." tumakbo si Ate Lisa sa akin at niyakap niya ako.

Nakita ko naman ang pangungunot noo ni Saicy sa kanyang likuran at ang pagtaas niya ng kilay sa akin. Magkasing-edad kami ni Saicy, samantalang mas matanda ng dalawang taon naman si Ate Lisa sa amin.

"Namiss rin kita, Ate..." ngiting-ngiti siya sa akin kaya nahawa na rin ako ng kanyang ngiti. Nilipat ko ang tingin sa kanyang kapatid na si Saicy at kumaway ako. "Hi Saicy, kamusta ka?"

"Maayos na sana kung hindi ka lang nagpakita..." humalukipkip siya at umirap sa akin.

"Saicy, h'wag ka namang ganyan..." saway sa kanya ni Ate Lisa.

"Heh! Dyan na nga kayo... papasok na'ko..." tumalikod siya sa amin at pumasok na sa loob ng mansyon.

"Hayaan mo na siya Yumi, alam mo naman 'yon... sana maintindihan mo," sa kanilang dalawang magkapatid ay mas nakakasundo ko si Ate Lisa kaysa kay Saicy. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo niya sa akin. "Tara na sa loob, turuan mo akong magluto ha?"

Sumama ako papasok sa loob ng mansyon at dumiretso na kami sa kusina. Hinanda namin ang mga kakailanganin sa iluluto naming sinigang na baboy. Iyon daw ang gusto niyang matutunan ngayon. Noon kasi ay adobo ang kanyang inaral na niluto. Tuwang-tuwa ito kapag may natutunan siyang isang bagay lalo na ang pagluluto ng mga ulam.

Pagkatapos naming magluto ay sinama niya ako paakyat sa kanyang kwarto. Hindi siya maubusan ng kwento tungkol sa mga gwapo niyang mga kaklase at ang mga kapalpakan ng mga ito. Napuno ng tawa at tili naming dalawa ang loob ng kwarto.

"At alam mo ba, darating din ang mga pinsan ko galing ibang bansa..." patuloy niyang kwento.

"Nasabi nga ni tita sa akin yan, ilang taon na ba ang mga pinsan mo? Baka sumakit ang ulo ni tita Becca sa kanila dahil sa kakulitan nila..." tumawa ako.

"Iyong dalawa kasing edad mo, tapos 'yong isa mas bata sa'yo ng tatlong taon... mga binata na rin," sagot niya.

Ang ibig sabihin ay hindi na mga bata ang ibang pamangkin ni tita? Ang akala ko ay mga batang makukulit ang mga ito. Iyon pala ay mga kasing-edad ko lang. I didn't expect that one's coming. At puros mga lalaki pa pala.

Araw-araw ang uwi namin ni Mama sa bahay ngayon. Nakakuha na rin kasi ng ibang kasambahay si Tita Becca at iyon ang namamalagi sa mansyon.

Panay ang irap sa akin ni Saicy tuwing makikita at makakasalubong ko siya sa mansyon ngunit binabalewala ko na lang ito. Hindi ko na rin siya sinusubukang lapitan dahil ilang beses niya na rin akong pinahiya noong sinusubukan kong makipag-usap sa kanya noon.

Nagdidilig ako ng halaman nang tawagin ako ni Mama dahil dumating na raw ang mga pamangkin ni Tita Becca. Binaba ko ang hawak kong hose at pinatay ito sa faucet. Sa likuran nang mansyon ako dumaan dahil panigurado ay nasa sala ang mga bisita. Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok at pinunasan ko rin ang pawis sa aking noo at leeg bago pumunta sa sala kung saan naririnig ko ang boses ni Tita Rebecca.

"Asan na ba si Yumi, Violeta?" narinig kong tanong ni tita kay Mama kaya naman ay nagmadali akong naglakad papunta kung saan sila nagtitipon-tipon.

"Uhm, pasensya na po... nagdidilig po kasi ako ng halaman," paliwanag ko.

Narinig ko ang bulong-bulong ni Saicy sa gilid at agad namang siniko ni Ate Lisa kaya agad din itong tumahimik.

"Naku hija! Ito na ang mga pamangkin kong sinasabi ko sa iyo..." masayang sinabi niya.

Naunang naglahad ng kamay sa akin ang lalaking may malaking ngisi na nakaplaster sa kanyang labi.

Coming Back (Pallata series 1)Where stories live. Discover now