Kabanata 4

12 1 0
                                    

Kabanata 4

Lips

Nag-init ang aking mukha pagkarating namin nang mansyon dahil lahat sila ay nag-aabang sa amin. Nag-aalala ang kanilang mga mukha.

Mabilis na dumalo si Timothy sa amin at inalalayan akong makaupo sa sofa. Samantalang si Ate Lisa naman ay kumuha agad ng first aid kit.

"Anong nangyari, Wayne?" tanong sa kanya ni tita Rebecca at nakatingin sa aking tuhod.

"She fell, that's why..." simple niyang sagot at umupo sa harapan ko.

Inangat niya ang kanyang tingin sa akin at nagtaas siya ng kilay. Napalunok ako ngunit nabaling ang tingin ko kay Timothy nang maramdaman ko ang haplos ng kanyang daliri sa aking tuhod.

"Sorry, I didn't know where to find you. Mabuti na lang at nahanap ka ni Wayne..." kinuha niya ang kamay ko at hinaplos niya ito. Tumingin siya kay Wayne na nakaupo rin sa harap ko at tinapik niya ang balikat nito. "Thanks, dude..."

"No problem..." sagot ni Wayne at agad na siyang tumayo.

Sinundan ko siya nang tingin at nakita kong umakyat na ito, hindi na siya lumingon pa. Kinuha ni Timothy ang first aid na dala ni Ate Lisa at siya na mismo ang gumamot sa sugat ko.

Hinatid kami nang driver nila tita Rebecca sa bahay dahil inabot na talaga kami ng gabi. Nagtungo ako agad sa aking kwarto pagdating ng bahay.

Pag gising ko kinabukasan ay agad akong dinaluhan ni Maki. Inalalayan niya akong makaupo sa hapag kainan.

"Salamat, Maki..." ngiti ko.

"Ano bang nangyari sa'yo, Ate?" nag-aalalang tanong niya.

"Nadapa lang..." tumawa ako, pinipilit na maging magaan ang aming usapan.

"Nadapa? Tapos masaya ka pa sa lagay na 'yan?" masungit niyang sinabi. "Napakalampa mo talaga..." asar niya.

"Huy Maki! Tumigil ka nga sa kakaasar... malalagot ka sa akin!" sigaw ko sa kanya dahil mabilis itong tumakbo palayo.

"Sige nga Ate, habulin mo muna ako..." bumelat pa ito at pumadyak padyak sa kakatawa.

Napaka-sutil talaga nang kapatid kong iyon. Kung wala lang akong sugat ay kanina ko pa siya hinabol at pinagkukurot. Kinain ko ang pagkaing nakahanda sa mesa. Hinugasan ko ang aking pinagkainan at naupo ako sa may sala para manood ng tv.

Lumabas si Mama sa kabilang kwarto at nakita kong nakabihis na ito. Nilingon niya ako at lumapit siya sa akin.

"Masakit pa ba ang tuhod mo?" lumuhod siya sa harap ko at tiningnan ito.

"Medyo mahapdi pa po... pero kaya ko naman, Ma. Sandali lang po, magbibihis lang ako..." tumayo ako pero agad niya akong pinigilan.

"Yumi, h'wag na... ako na muna ang papasok ngayon. Sasabihan ko na rin ang tita Rebecca mo na hindi ka muna makakapasok ngayon,"

Tumango ako at hindi na nakipagtalo pa, hinalikan ko ang kanyang pisngi. "Pasensya na po, mama..."

"Okay lang, anak. Magpagaling ka na muna..." ngumiti siya sa akin.

Tinulungan ako ni Maki sa paglilinis ng bahay. Siya ang nagwawalis at ako naman ang nagpupunas ng mga kabinet.

Nanonood ako ng tv nang tumabi sa akin ang aking kapatid. Kinurot ko siya sa tagiliran at tumawa pa ito.

"Ang sabi ni Mama, may bumuhat daw sa'yo mula Cabongaoan Falls hanggang sa mansyon ng mga Escalante, totoo ba 'yon Ate?" biglang sumeryoso ang kanyang mukha sa tanong nito.

Coming Back (Pallata series 1)Where stories live. Discover now