Kabanata 3

12 1 0
                                    

Kabanata 3

Smile


Wala akong nagawa nang isama ako ni Ate Lisa sa may Cabongaoan Falls kasama ang kanyang mga pinsan. Nilapag ko ang mga dala naming pagkain sa may malapit na cottage at inayos ang mga ito.

Tanaw ko mula rito sina Ate Lisa, Saicy at Kenneth na nagtalunan na sa tubig. Samantalang si Wayne ay nakaupo sa isang malaking bato, di kalayuan kung saan ako nakaupo... busy sa kanyang cellphone. Baka may katext. Nakatitig lamang ako sa kanya hanggang sa may sumalida sa harap ko. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Timothy.

"You're attracted to him or you like him?" nilingon niya si Wayne at binalik ang ngisi sa akin.

Kumunot ang noo ko at hindi ko siya sinagot. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga pagkain. At bakit ba siya nagtatanong nang ganyan. Ako? Attracted sa masungit na lalaking yon? Oh no no no. Kahit gwapo pa siya hinding-hindi ko siya magugustuhan noh!

"Hey! I'm asking you Mayumi... do you like my cousin?" he smirked again.

"What do you mean? At sinong pinsan mo?" umirap ako.

Narinig ko ang malakas niyang tawa, mukhang narinig din ito ni Wayne dahil napatingin din ito sa amin. Kunot ang noo. As usual. His favorite expression.

"Sino pa ba? Edi si Wayne Rigor Escalante... type mo siya noh?" mas maliwanag pa sa araw ang ngisi niya.

What the fuck! Anong pinagsasabi ng Timothy na 'toh? Ang sarap tadyakan.

"Huh? Di ah! Hindi ko gusto 'yang ganyang kasungit na lalaki... hindi ganyan ang ideal man ko..." tumaas ang boses ko.

Nakita ko sa gilid ng ang aking mata ang pagtayo ni Wayne. Mukhang narinig niya ang pinag-uusapan namin ng pinsan niyang ito. Well, that's the truth, anyway... Why hide?

"Maliligo ka na, dude?" tanong ni Tim sa kanya nang nilingon niya ito.

"Yeah!" aniya sa matigas na Ingles.

Hindi man lang niya kami sinulyapan at agad niyang hinubad ang kanyang damit at pantalon saka pinatong sa may bato kung saan siya nakaupo kanina. I looked away. Hindi ko ata kayang makita ang katawan niya. Shit! Biglang nag-init ang mukha ko.

"So... kung hindi mo siya gusto, ako siguro ang gusto mo..." bumaling sa akin si Timothy.

"Wow! Just wow! Timothy, alam mo... gwapo ka sana eh, kung hindi ka lang masyadong mayabang..." diretsahan kong sagot.

Umupo siya sa tabi ko. Ganito ba kakapal ang mukha ng lalaking ito at nakukuha pa niya akong tabihan matapos ng mga sinabi ko. I kennat.

"Ouch! That hurts... Mayumi. Pero dahil sa sagot mong yan, I like you.. " he pinched my nose at tumawa siya.

Patuloy ang pang-aasar niya sa akin kahit hindi ko naman siya kinikibo. I really don't know what he's up to. Bakit siya nandito? Bakit hindi na lang din siya maligo kasama ng mga pinsan niya kesa sa piniperwisyo niya ako dito.

"You know, Tim... go and try to swim. Alam ko ngayon mo pa lang mararanasan ang maligo sa Cabongaoan," ngumiti ako. At para naman mawala ang asungot dito. Tsk!

"Hinihintay lang kita... tara na kung 'ganon," naglahad siya ng kamay sa akin.

Umiling ako at binaba ko ang kanyang kamay. "Hindi ako maliligo, wala akong dalang pamalit..." paliwanag ko.

"You can borrow my shirt if you want,"

"Hindi na. Ikaw na lang. 'Tsaka ilang beses ko nang nasubukan maligo dyan... kaya sige na. Go na!" sana naman ay hindi halatang tinataboy ko siya nito.

Coming Back (Pallata series 1)Where stories live. Discover now