Kabanata 1

17 1 0
                                    

Kabanata 1

Pamangkin


Mabilis nagdaan ang taon dahil heto at graduate na ako ng senior high with flying colors. Tuwang-tuwa si Mama dahil sa nakamit ko pati na rin si Tita Rebecca, ang amo ni mama.

Tumakbo ako papalapit kay Mama at niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko ang kanyang pisngi. Nakita ko ang maluha-luha niyang mata.

"Ma, wag ka nang umiyak dyan. Eto na oh! Graduate na ko, salamat Mama..." iwinagayway ko sa harap niya certificate at medalia na nasa aking kamay.

"Mayumi, congratulations! Eto oh' para sa'yo yan..." ani Tita Rebecca at nagbeso siya sa akin habang inaabot ang isang paper bag.

"Oh my God! Thank you po Tita!" ngumiti ako sa kanya. Binalik ko ang tingin ko kay Mama. "Ma, magka-college na ako. Yeeeey!"

Nagkaroon ng maliit na salu-salo sa amin at nagpuntahan na rin ibang mga kaklase ko. Tuwang-tuwa silang nagkakantahan sa videoke na ni-rentahan ni Mama para sa araw na ito. Nakatanaw lamang ako mula sa loob ng aming bahay dahil inaasikaso ko ang mga kamag-anak namin sa side ni Mama. Gustong-gusto ko rin sanang makisali sa kasiyahan nila dahil panigurado kapag college na kami ay magiging abala na ang bawat isa sa pag-aaral ngunit hindi ko naman sila maiwan dito.

Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Ismael. Nilingon ko kung saan ko siya nakitang nakaupo kanina at nakita ko ang ngiti ni Kathleen, nagthumbs up pa ito.

"Ah... e-eh..." utal niyang sinabi.

"Bakit ka nandito Ismael? Balik ka na doon, nagkakantahan sila oh!" ngumuso ako kung nasaan ang mga kaklase ko. Napakamot siya sa batok at nagulat ako ng may nilahad siya sa harap ko.

"I-Ibibigay ko l-lang ito, congrats Mayumi..." pumula ang kanyang pisngi nang inabot sa akin ang isang parihabang kahon na may gift wrapper.

"Uhm... thank you, pero bakit mo 'ko binibigyan nito Ismael?" tanong ko, nagtataka.

Sa tanan ng buhay ko hindi ko pa nararanasan mabigyan ng regalo mula sa ibang tao... lalo na mula sa isang lalaki na ganito kakisig at kagwapo. It's my first time.

"Regalo ko sa'yo, sana magustuhan mo..." mas lalong pumula ang pisngi niya ngayon.

Nag-iinit na rin ang pisngi ko dahil sa nangyayari. What the hell is happening with me. Gosh!

"Hindi ka na sana nag-abala pa... pero salamat dito ha? Sobrang na-appreciate ko," ngumiti ako. "Congrats din sa'yo... kaso wala akong regalo eh..." yumuko ako dahil sa kahihiyan.

Kainis naman! Hindi ko naman kasi alam na magbibigay siya ng regalo. Edi sana naghanda rin ako ng ibibigay sa kanya. Shocks!

"Salamat! H'wag mo nang isipin 'yon... hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Sige, aalis na ako... congrats ulit!" he smiled at me.

Hindi pa rin maalis ang pula sa kanyang pisngi. Unti-unti siyang tumalikod sa akin para makabalik na sa mga kaklase namin pero bago pa siya makalayo ay tinawag ko ang pangalan niya.

"Sandali, Ismael!" lumingon siya sa akin.

Tumakbo ako palapit sa kanya at tumingkayad ako para mabigyan siya ng isang mabilis na halik sa pisngi. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at lalong pagpula ng kanyang pisngi dahil sa ginawa ko.

"Pambawi ko lang dito sa regalo mo, salamat ulit! Sige, byeee!" tumalikod ako at tumakbo pabalik sa loob ng bahay.

What the hell did you do, Mayumi Zenith Hidalgo? Shit! Mabilis kong hinawakan ang dibdib ko dahil sa tibok nito. Para saan yung halik na 'yon? Basta ang alam ko lang ay pasasalamat ko yun dahil dito sa regalong bigay niya at wala ng iba. Yun lang yun. Ahhhh!

Coming Back (Pallata series 1)Where stories live. Discover now