Simula

50 1 2
                                    

Simula


"Yumi, ikaw na ang bahala sa kapatid mo ha? Aalis na ako." bilin ni Mama sa akin, hinalikan niya ako sa pisngi at ganon din sa kapatid kong si Maki.

"Opo Mama, ingat po kayo..." kumaway ako sa kanya at nakita kong lumabas na siya sa aming pintuan.

Simula nang mamatay si Papa ay si Mama na ang nagtaguyod sa amin ng kapatid ko matapos ng isang taon niyang depresyon. Sampung taon pa lang ako noon ng iwan kami ni Papa. Si Maki naman, kapatid ko, ay limang taon pa lang. Nagtatrabaho bilang engineer si Papa sa ibang bansa noon. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, naaksidente si Papa habang nasa trabaho siya at nabagsakan ng bakal ang kanyang ulo. Ilang buwan na na-comatose si Papa at lugmok na lugmok si Mama dahil sa nangyari. Hindi maalis sa isipan ko kung paano nangulila si Mama noong namatay siya. Pati kami ni Maki ay napapabayaan na niya. Ubos na rin ang ipon ni Papa sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Ang mga pundar na gamit sa bahay ay unti-unti na ring naibebenta. Sa madaling salita, naghirap kami.

"Mama! Ano ba? Ganito na lang ba talaga tayo? Hindi ka kikilos dyan? Hindi na mabubuhay si Papa!" sigaw ko sa kanya dahil hindi man lang siya kumikilos para mapagaan ang buhay namin.

Hindi niya ako sinagot at nagbingi-bingihan siya sa mga hinaing ko. Halos magwala na ako dahil sa sobrang iritasyon. Hindi lang siya ang namatayan. Ramdam ko rin ang bigat dito sa puso ko dahil sa nangyari kay Papa pero wala na kaming magagawa doon. Ang kailangan namin ay magpatuloy sa buhay. At naiinis ako kay Mama kasi simula nang mawala si Papa, tumigil na rin ang mundo niya. Hindi niya man lang naisip na may mga anak pa siya na kailangan niyang buhayin at pahalagahan.

Bago ako umalis ng bahay ay kailangan ko pang magluto para sa kakainin namin. Ako rin ang taga hatid at taga sundo kay Maki sa eskwela niya. Hindi ko makita ang pagkilos ni Mama. Halos mabaliw na ako sa nangyayaring ito. This is not the kind of life I've wanted.

Bumagon ako isang umaga nang may humaplos sa braso ko. Unti-unti akong nagmulat ng mata at nakita ko si Mama sa gilid ng aking kama, nakaupo. Ngumiti siya sa akin habang marahan ang haplos niya sa braso ko. Nakakapanibago dahil ngayon ko lang nakita si Mama na nakangiti. It made me smile too. Nangilid ang luha sa aking mga mata.

"Mama..." paos kong tawag sa kanya.

"Yumi, anak... I'm so sorry, sorry dahil naging mahina si Mama..." niyakap niya ako ng mahigpit at humagulgol siya sa aking balikat habang yakap yakap ako.

"Mahal na mahal kita Mama... at mahal na mahal ko rin si Papa... pero wala-" pinutol niya agad ang sasabihin ko.

"Ssshhh... Yumi, anak magsimula tayong muli. Babalik ka ulit sa pag-aaral mo at maghahanap rin ako ng trabaho. Kahit na anong trabaho, anak..." ani Mama.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na naman akong naiyak sa sinabi ni Mama. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko sa kanya ito. Isang taon akong tumigil sa pag-aaral dahil kailangan kong tustusan lahat ng pangangailangan sa bahay. Sumama ako sa pagtitinda ng mga isda sa palengke at ang konting sahod ko doon ay ang pinangbubuhay namin araw-araw.

"Oh ayan! Dito na ang bago nating bahay..." masayang sabi ni Mama habang nakatanaw sa bahay kubo sa harap namin.

Binaba mula sa isang dyip ang mga gamit namin. May mga batang naglalaro ng tumbang preso sa harap ng kalsada. Napangiti ako, I remembered Papa dahil siya ang nagturo sa akin ng larong iyan. Binaling ko ang tingin sa bago naming tutuluyan, ang mga haligi nito ay yari sa kawayan, pati na rin ang bintana at pinto nito. Ibang-iba sa dati naming bahay na yari sa semento.

Binuhat ni Mama ang mga gamit papasok sa loob at doon na rin unti-unting nahinuha ko ang katotohanan. This is my new place, my new home. Binenta ni Mama ang bahay namin sa kabilang barrio at dito kami napadpad sa Pallata. Kumpara sa Alamina, lugar kung saan kami galing ay mas payapa ang lugar na ito. Tahimik at napakasariwa ang hangin. Ito ang unang simula para sa aming bagong buhay.

Nagbuhat rin ako ng ibang gamit at pumasok ako sa loob ng bahay at nakita ko ang tatlong kwarto na ang nagsisilbing dibisyon nito kwarto ay kawayan lang din. Hindi rin naman masama dahil malinis ang lugar at malayo sa polusyon. I can't help but to reminisce something about my past. I'm sure if Papa is alive, he will not allow this kind of life for us.

"Ate, tignan mo sa labas oh! Maraming naglalaro..." hinihila ni Maki ang kamay ko at pinipilit ipakita ang mga batang naglalaro.

Hindi ko iyon pinansin at minabuting maupo na lang sa isang mahabang upuan na bamboo-made. Nakapangalumbaba ako at dinukot sa bulsa ang cellphone kong bigay ni Papa noong pitong taong gulang pa lang ako. It's been 6 years na nasa akin ang cellphone na ito. Nalulungkot ako tuwing maaalala ko na si Papa ang nagbigay sa akin ng luho kong ito. I miss you, Papa...

"Wow! Congrats Yumi, ang galing mo talaga!" binati ako ni Kath, isa sa mga bago kong kaibigan dito sa Pallata Integrated School.

"Ano bang sikreto mo, ha, Yumi?" si Amy naman ang nang-usisa.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, nakasunod naman ang dalawa sa likod ko. Nasa Grade 7 na ako ngayon.  Isang taon na rin ang lumipas magmula noong lumipat kami dito sa Pallata. Pumasok si Mama bilang kasambahay sa isang sikat na pamilya dito sa Pallata. Hindi ganoon kalaki ang sahod pero mas mabuti na raw iyon para sa kanya kesa sa walang siyang trabaho. Hindi na siya makapaghanap ng ibang tranaho bukod doon dahil ayaw niya kaming iwan ni Maki'ng mag-isa. Kaya heto... pinagtyatyagaan niya ang paninilbi sa isang pamilya. Maayos naman ang trato kay Mama ng pamilya Escalante kaya hindi naging mahirap sa kanya na makisama sa kanila. May natitira pa naman sa pinagbentahan ng bahay at tumutulong rin ako bilang nagtitinda ng mga yema, polvoron at itlog ng pugo sa eskwela kapag break time. Ang kinikita ko doon ay ang ginagamit kong baon o pambili ng mga projects.

"Pabili naman ako ng sampung pisong yema," malaki ang ngisi ni Ismael.

Kumuha ako ng sampung pirasong yema sa lalagyanan nito. Inabot ko sa kanya at kinuha niya ito sa kamay ko. Hindi niya agad binitawan ang kamay ko kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ismael 'yong kamay ko..." mahinahon kong sinabi.

"Sorry..." napakamot siya sa ulo at mabilis na tumakbo paalis.

Haaay! Anong nangyari dun? Isinantabi ko na lang ang pag-iisip na iyon at nagbasa na lang ako ng libro. Gwapo si Ismael kaya marami ang nagkakagusto sa kanya. Yun nga lang ay mahiyain siya. At pansin ko na lagi na lang siyang namumula kapag nakikita o nakakausap niya ako. It's weird. Really weird.

"Uy! Anong ginawa mo kay Ismael, ha?" kinalabit ako ni Kath at ngumuso sa may pinto kung saan tumakbo palabas si Ismael.

"Ha? Wala akong ginagawa..." umangat ang tingin ko sa kanya at agad ko ring binalik sa binabasa ko.

"Anong wala? E bakit ang pula nang mukha non?" nagtatakang tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kathleen. I don't know what she's saying. Bakit na naman kaya namumula ang mukha ni Ismael. Hindi ko naman siya inaano. Tsk!

"Mano po, Ma... nakapagluto na po ako, kumain na po tayo." maligayang sinabi ko kay Mama pagkarating niya ng bahay.

"Naku! Salamat anak, kamusta ang pag-aaral mo?" hinaplos ni Mama ang likod ko.

"Maayos po. Nakakuha po ako ng perfect score sa quiz namin kanina sa Math!" proud kong sinabi at mabilis kong kinuha ang aking papel sa bag at pinakita sa kanya.

"Ang galing galing talaga nang anak ko. Payakap nga..." niyakap niya akong mahigpit at hinalik-halikan niya pa ako sa pisngi.

"Mama, ako po nasan ang kiss ko?" malambing na sinabi ni Maki kay Mama kaya naman... ayun at pinaulanan na rin siya ng halik ni Mama na may kasamang kiliti pa.

Tuwing Biyernes ng hapon ang uwi ni Mama at babalik naman siya sa pamilya Escalante kapag hapon ng Linggo kaya naman sinusulit namin ni Maki kapag nandito si Mama at sobra ang panglalambing namin sa kanya.

Coming Back (Pallata series 1)Where stories live. Discover now