Kabanata 5

19 1 0
                                    

Kabanata 5

Court


Sa araw na ito ay kinakabahan akong pumasok sa mansyon ng mga Escalante. Tuwing maaalala ko ang naging text namin sa isa't isa ay nag-iinit ang mukha ko. How can I face him now after what happened last night? Oh shit!

Despite of that, I've prepared something for him. Ipagbi-bake ko siya ng cake ngayon kapalit nang pagtulong niya sa akin. Nagpabili na rin ako kay Mama nang mga gagamitin ko. Mabuti na lang at may magagamit akong oven dito, matagal na rin akong hindi nakapagbi-bake.

Since my Papa died, I'd stop baking. Siya kasi ang nagturo sa akin kung paano gawin ang bagay na 'yon. Nalulungkot lang ako kapag naaalala ko ang mga bonding naming mag-ama sa kusina. He used to teach me so many things, especially his cooking skills.

"O heto na ang mga pinabili mo, anak. Sigurado ka bang magbi-bake ka?" tanong ni Mama, nag-aalala.

Alam kong hindi pa rin siya makapaniwala na gagawin ko ito ngayon. Napangiti ako at hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Ma, kaya ko po ito... h'wag kayong mag-alala, dalawa po ang gagawin ko para naman matikman niyo..."

"Sige anak... kung ganoon maiwan na muna kita dito," hinaplos niya ang buhok ko.

Inihanda ko ang lahat ng kakailanganin para sa aking pagbi-bake. Hinalo ko ang mga ingredients sa dalawang baking pan. Isang chocolate cake at isang caramel cake ang gagawin ko. Para kay Wayne iyong chocolate flavor.

Mabilis na dumalo sa akin si Ate Lisa nang makita niya ako. Tumayo ito sa tabi ko at pinagmasdan ang aking ginagawa. Tahimik lang ito at mukhang interesadong interesado sa panonood. Nang matapos kong ayusin ito sa baking pan ay inilagay ko na ito sa oven at ni-set ang tamang init nito.

"I can't believe you, girl! You know this thing also?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

"Matagal ko nang hindi nagagawa 'to. Sana maging maayos ang kalabasan," tumawa ako.

"Basta Yumi, turuan mo rin akong magbake ha?"

Aminado akong kinakabahan ako sa magiging lasa nang cake na iyon. It's been so many years the last time I did this thing.

"Para kanino ba 'yan?" biglaan niyang tanong sa akin.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit namumula ako ngayon.

"Para kay Wayne... pasasalamat ko lang dahil sa ginawa niya," I tried to smile.

"Ikaw ha! May gusto ka ba sa pinsan ko, Yumi?" tukso niya sa akin. "Don't worry, I'm not against you... ang totoo nga nyan boto ako sa'yo para kay Wayne," kumindat siya.

"Pasasalamat ko lang 'to Ate, h'wag mo naman bigyan ng malisya..." ngumuso ako dahil sa hindi matigil na panunukso niya.

Umiling na lang ako at panay ang deny ko na hindi ko gusto si Wayne. For Pete's sake! Sandali ko pa lang siyang nakilala. Tapos ang sungit pa 'non. Sinong magkakagusto sa kanya sa ugali niyang yon?

"Sige na nga, alis na 'ko. Para naman makapagconcentrate ka dyan sa ginagawa mo..." ngumiti siya at tumayo na. "...sarapan mo ha, bagay kayo nang pinsan ko Mayumi," pahabol niyang sinabi.

Nababaliw na talaga 'yon. Kami ni Wayne, bagay? Nagbibiro ba siya? Narinig ko ang pagtunog nang oven kaya dahan-dahan kong inilabas ang cake mula doon. Nalanghap ko agad ang mabangong amoy nito.

Nilagyan ko nang disenyo ang cake na ibibigay ko kay Wayne at sinulatan ko ng 'Thank You'. Yung caramel flavor naman ay nilagyan ko lang ng icing at tapos na ako. Pinalamig ko muna ito ng sandali bago ko ilagay sa ref.

Coming Back (Pallata series 1)Where stories live. Discover now