Chapter 19

254K 3K 30
                                    

CHAPTER 19

Tinotoo nga ni Dylan na sunduin ako ng 9 pm. Ako na rin ang nagpaalam kay mommy, kesa naman si Dylan pa ang gumawa. Mamaya kung ano ano pang haka-haka ang mabuo sa isip ng parents ko. I had a 1 am curfew. Grabe naman sila, 1 am pa. Baka nga mamaya wala pang 11 ay nakauwi na ako.

I just have to greet Kyle a happy birthday. Yup, birthday nya kasi. At sa isang high end bar gaganapin.

“What are you wearing that?” Yan agad ang bungad sakin ni Dylan nang nakapasok kami sa kotse nya.

I looked at what I am wearing. High waist black pants, a camouflage corset and a pair of black pumps. “What? Party sa bar, Dylan, you do not expect me to wear a long gown or what, right?” Pagtataray ko dito.

“Go change.” Aniya.

Pinanlakihan ko sya ng mata. “What?”

“I said go change.” Madiin nyang sabi.

“No. Kaninang nasa loob ng bahay, hindi mo yan sinabi.” Inis kong sagot.

I saw how he clenched hi jaw and fists. Hah! You can’t make me do what you want, Dylan. I always do things the way I like. Ilang segundo pa ay nagsimula itong maghubad ng kanyang itim na leather jacket. “Wear this.” Aniya nang ibato nya iyon sakin. I smelled his perfume and damn, lalo syang naging hot.

No, joke lang pala. Hindi sya hot with his plain white v-neck shirt that fits him perfectly. Halatang halata ang magandang hubog nito ng katawan. How can he look so hot with just that?

“Are you gonna wear that or just stare at me?” He snapped me back to reality.

I gulped. Inalis ko ang tingin ko sakanya.

“I.. Mamaya! Nasa kotse pa naman eh.” Iwas tingin kong sabi.

“Alright.”

Halos 45 minutes ang byahe papuntang bar. I was about to go down kaya laman ay hinawakan nito ang braso ko.

“Wear it.” Seryoso nyang sabi

I rolled my eyes at him at iwinaksi ang pagkakahawak nya sa braso ko tapos ay padabog na isinuot ang kanyang jacket.

“Good.” Kuntento nyang sabi.

I hate him. I hate his guts. I hate how he tries to invade me.

Pagkapasok namin sa loob ng bar ay dumiretso kami ng akyat sa 3rd floor. Nirentahan pala ni Kyle ang buong third floor. Madaming tao.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon