12 - A very painful fact

1K 33 13
                                    

Authors Note:

Guuyyysss! Chapter 12 is here hehe! Oo nga pala, I don’t want spoil you pero were down to the last 3 chapters (including this chapter) so better go to your room and look for some handkerchieves, remember handkerchieves haha joke lang! Anyway, ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa walang sawang sumusuporta ng 318 since noong textmate pa. Sana hanggang ending suportahan nyo pa rin ako. Also, I want to acknowledge and give thanks to Sir Kenji Oya (the author of my favorite MNB) for giving an opportunity to.. Ooops! Bibitin ko muna kayo dito. Basa mode muna kayo at malalamaan nyo kung bakit, hihi! Maraming salamat sir, mabuhay po kayo =)

PS: FB ko, add mo ah? https://www.facebook.com/niel.isyours Hihi! Salamuch! :*


Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.

Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:

Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph


About the cover photo:

  

I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.


ENJOY READING =)

Chapter 12

Dumaan ang isang oras noong umalis si Xander. Nasa sala ako at nagbabasa ng binili kong libro sa book store kanina ng biglang.

“Ding dong..” Pagtunog ng door bell. Sino naman kayang matinong tao ang bibisita sa amin sa ganung oras? Kaya hindi ko na lang pinansin dahil baka nanloloko lang yun. Ngunit nagsunod-sunod ito. Kaya naman lumabas na ako upang tignan kung sino ba yung nagdo-doorbell.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate namin ay biglang nanlaki ang mata ko sa nakita. Si-si Trina?? Bakit sya nandito? At b-bakit parang may tutulong luha sa mga mata nya?!

“T-trina?!” Gulat kong sabi. Nanlamig ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit pero biglang lumakas ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba sa nakita ko. Bakit?! Anong ginagawa nya dito sa amin sa gantong dis-oras ng gabi. “B-bakit k-ka nandito?” Mautal-utal kong pagtatanong.

Ngunit mas lalo akong kinilabutan noong makita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata. Shit! Hindi ko alam kung bakit, kung tutuusin pwede ko naman isiping manghihingi lang sya ng tawad sa lahat ng mga nagawa nya sa akin noon. Pero bakit hindi ako mapalagay? Kinakabahan ako..

“P-pwede ba tayong mag-usap Colby?” Malambing ngunit umiiyak na sabi ni Trina. Parang hindi sya si Trina na nakilala ko. Ang Trina kasi na nakilala ko ay maldita, matapobre, mapanghusga at mapag-taas ng kilay. Ngunit, ang Trina na nasa harap ko ngayon ay ibang-iba. Mistulang punong-puno ng pagdadalamhati ang mukha, hindi ko alam kung ano ang problema pero sumang-ayon na lang ako sa gusto nya. “W-wag dito.  Tulog na sila mommy e, doon tayo sa park..” Nasabi ko na lang. Gustuhin ko mang sa loob kami ng bahay mag-usap, hindi maari dahil baka kung anong pageeskandalo ang gawin ng babaeng to, wala akong tiwala sa kanya.

My Second Attempt To LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora