3 - Loving you

1.8K 40 4
                                    

Xander’s Point of View:

Kinaumagahan, pagkagising na pagkagising ko ay tumama sa mukha ko ang taas sikat ng araw na nagmumula sa binatana ng kwarto ni Colby. Tinignan ko ang sarili at ang katabi ko, si bes. Kapwa kami walang kahit anong saplot sa aming katawan. Kagabi pala ay may nangyari sa amin ni bes. Hindi ko alam kung ano pang ibang dahilan kung bakit ko siya niyaya na makipagtalik sa akin – ang tanging nasa isip at puso ko lang kasi ay nasasabik ako sa kanya at mahal ko siya.

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to. Hindi naman ako bakla ngunit bakit bigla na lang tumibok ang puso ko para sa bestfriend ko. Noong una ay paghanga lang to, dahil nga sa kahit anong panglalait sa kanya at kahit anong galit sa kanya ng mga nagkakagusto sa akin noong high school ay dedma lang sya at hindi niya pinakitang naapektuhan siya dahil hindi naman talaga. Ngunit, sa pinapakita niyang tatag sa lahat ng sakit na nararamdaman dulot ng ginawa ng gagong Tristan na yun at sweetness niya sa akin mas lalo akong tinatamaan sa kanya. Masaya? Inspired? Yes, pero sa tuwing iniisip ko na mag bestfriend kami at may mga bagay na maaring ma-risk kapag pinagpatuloy ko at pinaglaban ang nararamdaman ko sa kanya, nasasaktan ako. Haiiissst! Pag-ibig nga naman. Totoo nga pala ang sinasabi nila na love has no limit. Proven na sa nararamdaman ko kay Colby, hindi ko naman kasi inaakala na magkakaroon ako ng mas malalim na nararamdaman sa kanya sa kabila ng relasyon namin bilang mag-bestfriend at parehas kami ng kasarian.

Teka? Bakla na ba talaga ako? Bakla na bang maituturing kapag nagmamahal ka ng isang lalaki? Hayst! Ayaw kong maging bakla. Pero, hindi ko din mapigilan ang nararamdaman ko para sa bestfriend ko.

“Bes..” Sambit ni Colby habang nagmumuni-muni ako. Haysst! Napaka-cute nya talaga. Hindi ko alam kay Colby kung bakit wala siyang self confidence, but he is adorable actually. Masyado nya lang binababa ang sarili niya.

“Uhm bes? Good Morning!” tugon ko sabay bitaw ng isang ngiti.

“Good Morning din bes..” Pagbati niya. “Anong oras na bes?” Tanong niya habang kumukusot ng mata! Shit! Bakit ba ako tinatamaan kay Colby! He’s very cute while doing that thing!

“8 o’clock in the morning sir..” Sabi ko habang sumasaludo pa.

“Hahaha! Panget mo!” Pang-aasar niya.

“Hoy! Mr. Jake Colby Rivera. Sa tanang buhay ko ikaw lang ang nakapagsabi sa akin niyan. You stained my image! Bawiin mo yan! Haha!” Pang-aasar ko sa kanya.

“Hahaha!” Tawanan namin.

Tahimik.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat  ba naming pagusapan ang nangyari sa amin kagabi. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya na kaya ko nagawa yun dahil nadala ako ng emosyon ko at hindi ng libog lamang, yeah may kasamang libog ngunit nangingibabawa ang pananabik at pagmamahal ko sa kanya.

My Second Attempt To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon