8- The Confession of Love

1.3K 33 5
  • Dedicata a KuyaDan :)
                                    

Colby’s Point of View:

 

“Hello bes?” Ngunit maingay din ang dating ng kabilang linya. Medyo choppy but naririnig ko na nagsasalita siya. “Hello bes? Hello? Choppy ka bes? He—“ Naputol na lang ang pagsasalita ko ng biglang may naramdaman akong pumulupot na tela sa mata ko. Shit! Ano to?!

Hindi ako makapagsalita. Gusto kong magsisigaw dahil ang higpit ng pagkakahawak sa akin ng dalawang taong naglagay ng piring sa mata ko. Na- kidnap ba ako? Shit! Pero kung na-kidnap ako, bakit sa gitna pa ng party? At sa pagkakaalam ko ay hindi ako ganung kalayo sa entrance kung saan may mga guard na nagbabantay ng party. At saka, kung kidnap to, bakit ang bagal naming maglakad?!

Sumunod na lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam, pero parang nakaramdam ako ng kaba at excitement sa pagkakapiring ko. Pakiramdam ko kasi ay may surprise na patungkol sa akin. Hindi man lang ako nakaramdam ng takot na baka nga na-kidnap na ako. Ah basta! Matinding excitement at kakaibang kaba ang naramdaman ko. Sa hindi malamang dahilan ay napangiti na lang ako.

“Teka, ano ba to?” Mahinahon kong pagtatanong sa dalawang taong nasa gilid ko na umaalalay pa rin sa akin sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Basta, naririnig ko pa rin ang ingay ng mga estudyante sa venue. I’m not sure, but parang familiar sa akin yung scent nung isang taong nasa gilid ko. Hanggang na-figure out ko na lalaki siya. Hindi ko lang maalala kung kaninong amoy yun, basta familiar sya sa akin.

“Huminahon ka lang, hindi ka naman namin sasaktan e.” Sagot ng lalaking nasa gilid ko. Kaya naman kinalma ko na lang ang sarili ko. But teka? Parang familiar sa akin ang boses ng lalaking to ah? Parang boses ni Lemuel?!

Isang minuto ang lumipas noong wala na halos akong narinig na ingay na nagmumula sa party. Hindi ko na rin nararamdaman ang simoy ng airconditioner, napalitan ito ng natural na simoy ng hangin.

Tahimik ang lugar na pinuntahan namin. Wala man lang akong marinig na kahit anong ingay bukod sa paglalakad namin ng dalawang mokong na ito. Hanggang sa naramdaman kong inuupo nila ako sa isang mono-block chair at sinabing. “Kumalma ka lang ah? Kung ayaw mong malintikan sa amin?!” Hindi ko alam kung pananakot ba yun?! Yeah, sa sinabi ng lalaking iyon ay nakaramdam ako ng konting takot, pero mas pumapangibabaw pa rin ang excitement sa akin. Ang weird.

Isang minuto ang lumipas, tahimik pa rin akong nakaupo sa upuan. Kung tutuusin ay pwede ko namang tangalin ang blindfold na nasa mata ko dahil kung kidnap nga ang nangyari sa akin ay kaya ko namang lumaban, ngunit parang kumportable ako sa posisyon kung iyon. Ang weird, but parang may hinihintay yung puso kong mangyari? Exciting!

Maya maya ay may narinig akong kaluskos ng mga tao. Hindi rin nagtagal ay naramdaman kong may lumapit sa akin at naglagay din ng isang mono-block chair sa harapan ko. Sa aking palagay ay may layo ng tatlong talampakan ang taong naglagay ng mono-block chair sa aking harapan.

My Second Attempt To LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora