Thirteenth: Ang Regalo

2.2K 30 0
                                    

Pagbubuksan siya agad nito, alam niya. Ilang sandali pa nga lang ay sumilip na ito sa kanilang pintuan.

"Ui, Val!"

Agad na nagbumpfist ang matalik na magkaibigan; ang batian na kanilang naturingan.

"Boom."

Ngumiti si Slater, napansin ni Val ang kakapalan ng suot nito, "Pasok."

Dalawang sakay ng jeepney at isa pang sakay ng pedicab o tricycle ang layo ng kabahayan nila Slater. Kasama niya sa bahay ay ang nagiisa niyang kapatid na si Kevin, isang henyong fourth year student na medyo nerd ang dating. Lage silang magkaaway ng kuya niya kada bibisita siya dito. Ngayon ay tahimik lang ang dalawa sa kanilang bahay, marahil ay busy sa sari-sariling gawain.

Hindi siya pinansin ni Kevin sa pagdaan niya sa sala. Abalang naglalaro sa kanyang PSP sa may couch. Walang kasama sa bahay ang dalawa at pinapadalhan lang sila ng nanay nila ng panggastos kada buwan. Ang tatay nila? Si Slater lang ang bumibisita sa pinalayas nilang magulang sa kabilang barangay.

Dire-diretso sila sa kwarto ni Slater. Medyo basement ang dating ng kwarto niya dahil may maikling hagdanan na bababaan bago makarating dito. Anu pa man, laging laptop lang naman nito ang nakakalat sa napakasimple nitong kwarto; walang basura, damit o masamang amoy na nakakalat. Medyo mapagpuna at metikuloso rin si Val sa mga bahay na tinutuluyan niya. Di bale na rin, limang taon na rin naman siyang nagpapabalik-balik dito.

"Beer!"

Binato siya ni Slater ng isang lata ng paborito niya at sabay silang umupo sa kama nito. Pinagmasdan ni Val ang kanyang kaibigan; nakapajama at nakasweatshirt ito. May bimpo pa itong nakahanda at panay ang singhot. Binuksan ni Val ang lata.

"May sakit ka?"

"Nilalagnat ako brad."

Nilapag ni Val ang folder niyang dala sa kama, "Yan 'yung pabalik-balik mong lagnat no?"

"Oo eh-" Pumuputok ang mga ubo ni Slater, "Kainis nga, naudlot pa 'yung date namin ni Anj."

Tinignan siya ni Val, "Napasagot mo na ba?"

Binuksan ni Slater ang kanyang laptop at ngumiti, "Kanina lang."

Nilunok at ninamnam ni Val ang una niyang paglagok sa beer.

"Mukhang mapapatigil mo na ako sa pag-iinom ah."

"Kaylangan mo na talagang tumigil," Umayos si Slater ng upo at humarap sa kanyang laptop, "Mamaya may sakit ka na din pala."

Nagsalita ang wala.

"Nakita ko si Sofia..."

Hindi kumikibo si Slater.

"...hindi naman niya naabala 'yung date niyo ni Anj no?"

First & LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon