Fourteenth: Sa Library

2.6K 27 0
                                    

Hindi mapigil ang pag-iyak ni France. Simula pa nung umuwi siya sa kaninang umaga ay pabigla-bigla ang iyak nito. Minsan tatahimik, minsan hahagulhol, pero tuloy-tuloy ang pagtulo ng kanyang luha at pagsasalita nito. Si Jill at si Anjeanette na lang ang natirang nagaalaga sa kanya. Si Queenie ay umuwi muna, kasama si Bert. Kalat na kalat sa buong barkada ang ginawa ni Edwin.

"Ayos lang yan", "Eh ano naman," panay ang pagsulsol ni Jill sa kaibigan. Wala namang masabing matinong payo si Anjeanette. Medyo kakaiba nga naman ang sitwasyon ni France.

"Dahil mataba ako?"

"Hindi, talagang mga ganun lang talaga ang gusto niya."

"Dahil nga dun! Macho pinili niya eh!"

Eh di magpamacho ka rin. Gusto sanang sabihin ni Anjeanette iyon kay France kaso alam niyang napakabastos naman para sabihin iyon. Panay pa rin ang pagsuyo ni Jill kay France.

"Kung mahal mo naman di ba, eh di tanggapin mo na lang?"

"Tanggap ko nga kasi siya, kaso ako ang hindi niya tanggap!"

"Dahil di ka macho?"

"Oo!"

Lalong nilubog ni France ang mukha niya sa kanyang unan at humagulhol ng mas malakas. "Eto naman," hinampas ni Anjeanette si Jill at napailing na lamang sa mga nangyayari. Paano kung bigla na lang din na aminin ni Slater na bakla siya? Ano pa man, hindi niya inasahan na bakla ang matangkad, basketbolista at prominenteng si Jay. Nako, nako, panahon nga naman ngayon. Ang inaalala lang niya ay baka hanggang kalaliman ng gabi o madaling araw ang pag-iyak nito ni France. Huwag lang naman sana. Hindi rin naman nila maiwanan si France dahil baka kung ano gawin nito sa kanyang sarili. Huwag naman sana.

"Sino ba daw kasi 'yung lalaki?" Tanong niya kay Jill. Teka, tama pa bang gamitin ang salitang lalaki? Tumaas ang mga balikat ni Jill.

"Ang sabi lang ni Jay, lagi daw niyang nakakalaro sa basketball."

Hindi pa naman nakakapanood si Anjeanette ng mga laban nila kahit isang beses. Lagi kasi silang napunta ni Slater kung saan bihira ang mga tao (ang isipan ha) dahil sa umiiwas nga sila sa mga babaeng katulad nila Vera at Sofia na baka gumawa ng iskandalo kapag nakita sila. Pero kung babase siya mga kwento niya, ang lalaking pinili ni Jay ay si...

"Bye Honey!" Tumawag pala si Shin kay Jill, mukhang masaya ang kanyang bestfriend, "Pupunta si Shin dito maya-maya, sasamahan daw tayo. Girl! May dalang pizza si Shin! Tumahan ka na diyan!"

Pero kahit anong gawing yaya ni Jill, tumitiklop lamang si France sa kanyang higaan.

Biglang may bumato sa bintana.

"Hala!" Napatayo bigla sina Anjeanette at Jill. Napatakbo sila papunta sa bintana.

Kumakaway si Val sa baba, "Pwede namang tumawag, makabasag ka pa!" Halatang kinabahan si Jill sa nangyari. Napakamot lang si Val sa ulo at itinalikod ang kanyang sumbrero. May kinuha siya sa kanyang bulsa.

"Papel ba 'yun?"

Inayos niya ang mga tiklop ng papel na kanyang hawak at ginawa itong eroplano. Tinaas ni Val ang kanyang mga mangas at tinantiya ang pagbato. Ibabato na niya sana ito ng bigla siyang humarap sa kaliwa.

Dire-diretso ang eroplano sa direksyon niya ng biglang umihip ang hangin at dumiretso sa bintana nila. Nasambot ito ni Anjeanette.

"Whoa!"

Tuwang-tuwa si Jill na para bang nakakita ng magic trick. Ngumiti si Val at nagbow, binaba ang mangas ng kanyang malaking t-shirt at umalis na. Tinignan nila Anjeanette ang eroplanong papel at binuksan ito.

First & LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon