Eleventh: "Red Rose"

2.5K 27 1
                                    

Katanghalian ay naghihintay siya. Sa may freedom park kung saan siya unang tinabihan ng lalakeng iyon. Walang klase at ito ang unang beses na kakaen sila na walang bahid ng pagkaestudyante. Tutal, magbabakasyon na naman kasi. Magiging bihira na rin ang pagkikita nila.

Bantay sarado din si Slater sa kahit anong paraan. Siya na ang nagboluntaryong magbigay sa kanya ng kanyang cellphone. Hindi nga nagfeFacebook si Slater. Wala din naman daw siyang interes sa nangyayari sa iba pang tao.

Lahat ng ito ay ikinatuwa niya. Hindi rin niya akalain na hanggang ganito ang mga gagawin ni Slater pa sa kanya.

...everybody's talking about the three-month rule yet they are not following it...

Binabasa niya na naman ang pinirint niyang article ni Red Rose. Nakakatuwa lang din at sakto palagi sa kanyang sitwasyon ang mga articles nito. Hulog talaga ng langit ang babaeng iyon.

"Namiss kita."

Nasa tabi na niya pala si Slater. Preskong-presko dahil bagong paligo, dala-dala na naman nito ang walang kupas na ngiti at nakakatunaw na tingin.

"Weh? Tanghali na lang ata ang tapat ngayon." Sumimangot ang binata sa kanya.

"Nakakainis ka talaga kapag nirereject mo 'yung totoo kong nararamdaman."

Tumawa lang si Anjeanette, "Tara kaen na lang tayo."

"Teka lang."

Naglabas ng camera si Slater at mas lumapit pa sa kanya.

Click. Ano ba naman iyan. Hindi man lang siya nakangiti.

"Pinagbigyan na kita," tumayo si Anjeanette at kinuha ang kanyang gamit, "Yan na 'yung una't huling picture na makukuha mo kasama ako."

"Una't huli," hinawakan ni Slater ang kanyang kamay at nakaramdam siya ng kakaibang kuryente sa katawan. Medyo mainit ang palad nito. Nako nako, kinikilig na naman siya, "Nakakalungkot naman 'yun."

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" Lumaban siya sa higpit ng hawak.

"Wala na kasing susunod eh."

"Talaga. One chance in a lifetime lang 'yun."

"Hm", nagisip si Slater, "Gaano kaimportante sa'yo ang first time?"

"Depende. Teka, hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" Ngayon lang napansin ni Anjeanette na naka-layer pala ang damit ni Slater. Long sleeves na polo na nakapatong sa t-shirt na may makapal na tela. Masyado kasi siyang abala kakatitig nito sa mukha niya.

"Ang lamig kaya", suminghot si Slater.

"Ambanas kaya. First time kaya kitang makitang nakaganyan" ,hinawakan ni Anjeanette ang kanyang noo. Halos nakakapaso ang init ng noo nito, "Nako, nako, may sakit ka ba?"

Tinanggal ni Slater ang kamay nito at hinawakan niya ng mahigpit, "Pagmamahal ko 'yung naramdaman mo."

"Seryoso ako ha. Hindi ka ba nagpapatingin sa doktor?"

"Hindi na ren."

"Bakit naman?" Nanlalaki ang mata ni Anjeanette sa gulat.

"Alam ko na ren naman ang sasabihin niya eh."

"Na?"

"Na baliw na baliw ako sa'yo."

Hinampas niya si Slater sa braso, "Sabing seryoso! Ba't ayaw mo ba magpitingin?"

"Nagkakatinginan na naman tayo," nakangiting sagot ni Slater. Hindi na napigilan ni Anjeanette na kurotin ang binata.

"Sige pa! Sasaktan lalo kita!"

First & LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon