Fifth: "Bastos"

3.9K 44 0
                                    

Nakailang habol siya at pilit, buti na lang at bumigay din. Napahiya rin si Slater sa ginawa ni Val, pero hindi ba niya maintindihan kung bakit ang tingin sa kanya ni Anjeanette ay binaboy niya mismo ang kanyang pagkatao.

Ayun siya, nangunguna sa habang pinipilit ni Slater na humabol, medyo hilo sa nararamdamang kalasingan. Hindi niya mapigilang dumighay at tumingin sa paligid kahit ba parang lumalapit at lumalayo ang mga puno sa kanyang paningin. Hindi birong maglakad sa ganitong oras kahit ba subdivision ‘to.

Kalaliman ng gabi (umaga na nga yata eh) at nagmagandang loob na nga siyang ihatid ang babaeng ‘to pagkatapos parang siya pa ang dapat hindi sumama sa kanya sa mga gantong panahon? Manyak ba siya sa paningin niya?

Biglang tumigil si Anjeanette sa paglalakad at tumingin sa kanya. Napatitig sa kanya si Slater.

“Manyak ka ba?”

Tumitig lang si Slater sa kanya.

“Paanong manyak?”

“May iba’t-ibang uri pa ba ng manyak sa tingin mo?”

Dumighay si Slater, punong puno ng serbesa ang kanyang tiyan at malamang ganun na ganun ang amoy ng kanyang hininga. Mainit siya.

“Ah oo, meron namang patago at lantad na manyak…”

“Pero manyak ka nga ba?”

“Bakit mo naman nasabi ‘yan?” Napatawa si Slater,“Minanyak ba kita?”

“Eh bakit mo ba ako sinsusundan?”

“Gusto mo bang makasalubong ng totoong manyak?”

“May kasama na nga akong isa eh,” naglakad ulit si Anjeanette, natatawa si Slater sa mga naririnig niya.

“Ano ba?”,humabol na naman si Slater, “Bigyan mo nga ako ng pangyayari na binastos kita.”

“Kada magkikita tayo.”

“O? Anong ginagawa ko?”

“Tinitignan mo ko.”

“Masama ka bang tignan? Muslim ka ba?”

“Tsaka ‘yang mga banat mo!”, tumigil na naman sa paglalakad si Anjeanette at tinitigan na naan siya ng masama. Pakiramdam ba niya talaga ay ginawan niya ng krimen ang buo niyang pamilya at tumakas para di na niya mabayaran ang kanyang mga kasalanan, “Huwag na huwag mo nga akong pagsasalitaan ng mga ganun!”

Natawa lang si Slater at dumighay. Humakbang siya papunta kay Anjeanette at natalisod. Napakapit siya sa dalaga.

“AH!”

Tinulak siya ng takot na takot na Anjeanette at tumakbo ito ng mabilis. Nang mahanap ni Slater ang kanyang balance ay hinabol niya ito. Makakagising pa ata sila ng mga tao dito sa lugar.

First & LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon