Twelfth: Hayop

2.5K 28 0
                                    

“Dito, dito!"

"Pasa mo na Win!"

"Shit-"

"OI, OI!"

Basketball; kahit kaylan ay hindi naintindihan ni Val ang kagandahan nito. Pinagmamasdan niya ang mga hubad na katawan ng mga kalalakihan na kumikinang sa pawis at sa sinag ng araw. Oo, siguro nga dahil hindi naman ganun kaganda ang porma at limitado lang ang abilidad ng kanyang katawan kaya ganun na lang din ang kanyang pagkwestiyon sa larong ito. Pero hindi bale, mas naiintindihan niya naman ang konsepto ng sugal. At malaki-laki ang pusta niya sa kanyang mga barkada.

Kasama niyang nanunuod si Manuel, isang talentandong estudyante ng Fine Arts. Kung tatanungin mo ba siya kung saan siya mas magaling, sa drawing ba o sa pakikipagsapalaran sa katawan ng tao, marahil ay mas henyo siya sa pangalawa. Nakilala niya si Manuel sa huling inuman kela Edwin. Mutual friend pala nila si Mr. Cingco na propesor ng Humanities sa umaga at isang sex guru sa gabi. Sa dami ng natutunan nilang dalawa sa lalaking iyon, wala na silang maisip kundi subukan at subukan talaga ito. Ang pagkakaiba nga lang nila ay si Manuel ay may napagsusubukan ng kanyang mga natutunan samantalang si Val ay naghahanap pa rin.

86-79 ang score sa laban. As usual, lamang sila Edwin. Tahimik lang si Manuel habang nagiisketch ng kanyang nude caricature. Iisang babae lang naman ang laging dinodrawing nito araw-araw., Si Shin at Jill naman ay sigaw ng sigaw sa pagsuporta kela Edwin at Jay. At siya? Heto at inuubos ang pangatlong lata niya ng beer ngayong araw.

Ano nga bang ginagawa niya sa buhay niya?

Bigla niyang napansin si Bert na lumampas sa harapan nila at dire-diretso ang lakad.

"Like fire fuelled by wrath..."

Napatingin si Val kay Manuel at sa bilog na shades nito, "What is it, bro?"

"His face", patuloy sa pagiisketch ang henyo, "It's burning."

"Ha-"

Pero bago pa niya maintindihan ang lahat, pumunta na sa gitna ng court si Bert.

"Shit",napatayo si Shin, ganun rin si Val, "Ano ginagawa ni Bachoy dun?"

Shit talaga. Ano na namang pumasok sa isip nitong lalake na ito?

"BERT! ANO GINAGAWA MO DIYAN? UMALIS KA DIYAN!"

Pero walang kwenta ang pagsigaw sa kanya. Galit na galit si Bert. Nakatikom ang mga kamao nito at nakatitig...nakatitig sa paparating na mga manlalaro...

"...fueled by burning wrath..."

Naglilintaya na naman ng ingles si Manuel. Pabalik na ang mga naglalaro sa kabilang court sa pangunguna ni Edwin na hawak ang bola pero hindi pa rin naalis si Bert sa gitna.

"HOY! BERT!"

"...he's burning, nonetheless, hungry for revenge..."

Shit. Si Edwin ang pakay ni Bachoy.

"Bert-"

Durog ang ilong at sumabog ang dugo sa pagsalubong ni Edwin sa kamao ni Bert. Napatigil ang lahat ng manlalaro.

"Shit, shit, BERT!"

Tumakbo sina Shin at Val papunta sa court. Nakabangon agad si Edwin at sinugod si Bert. Tumumba ang dalawa sa sahig, kumalat ang dugo kung saan-saan habang lumilipad ang kanilang mga kamao. Nagkakagulo na rin ang mga basketbolista; tatlong tao na ang humihigit kay Edwin samantalang sila Jay, Shin at...Val ang humawak kay Bert.

"GAGO KA-"

"-ANG HAYOP MO-"

Pagkalayo sa dalawa ay walang tigil naman ang sigawan nila sa isa't-isa. Hawak ni Val si Bert sa isang braso at nanginginig ito. Sabog rin ang dugo nito sa buong katawan dahil sa basag nitong ilong at nagbubulang bibig. Dalawang kamay rin ang kapit nito dahil sa lakas ni Bert. Mura naman ng mura si Edwin, na pinipigilan ng limang tao. Parang naririnig ni Val ang pangalan ni Queenie sa mga sigaw ni Bert.

First & LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon