Ninth: "Tukso"

3K 33 0
                                    

Lasing pa rin ba siya?

Sa harapan niya, nakabalandra ang katawan ng babaeng inasam-asam niya, handang-handa sa maaari niyang gawin; nakapikit, hindi lalaban, kalmado at walang kibo. Pinagmamasdan niyang mabuti ang balingkinitang katawan ni Anjeanette. Totoo ba 'tong nangyayari ngayon?

Hindi siya nanaginip, sigurado siya. Totoong-totoo na nasa kwarto siya ni Edwin. Naaamoy pa nga niya ang pabango nito at malamang, kanyang kama at gamit ang laman ng kwartong ito. Pero bakit ang tahimik? Parang pasikat palang ang araw, mga alas-singko na rin siguro. Wala bang natirang gising sa inuman kagabi? Ano nga bang nangyari?

Pumatak ang mga kanyang tingin sa bahagyang bukas na pinto ng kwarto. May ilaw sa labas pero tahimik talaga. Pwede rin namang nakikinig ang mga tao sa gagawin nila dito sa loob? May pustahan nga pala, pero kung nakikinig nga sila, siguradong nagulat na sila sa mga salitang sinabi ni Anjeanette. "Hubarin mo ko." Paulit-ulit ang salitang iyon sa isipan ni Slater. Parang linya ng kanta na nakaka-LSS kahit walang tugtog at tono. Tinignan niya ulit ang dalaga sa tabi niya; baka naman nananaginip lang itong si Anjeanette?

Anu pa man ay tumayo muna sa kama si Slater. May hangover pa nga ata siya. Bahagyang umiikot ang kwadradong kwarto. Naglakad siya papunta sa pinto at sumilip dito.

Magulo ang kusina at halatang walang nagtangkang mag-ayos nito. Tulog sila Jay, France, Shin at Jillian sa salas. Lumabas si Slater sa kwarto at hinanap si Edwin; sa c.r. ,sa kabilang kwarto at kahit sa bakuran ay wala ito. Tinuluyan niya kaya si Queenie kagabi? Nasalvage na kaya si Bert

dahil pagsusuka niya kagabi? Nasan na kaya sila Val, Manuel at Mr. Cingco, ang tatlong tunay na manyak?

Kanina pa tumitilaok ang mga manok ng kapitbahay. Nakatulala lamang siya sa bakuran, tinitignan ang mga nakakalat na mga plastic na baso at balat ng chichirya sa damuhan. Babalik ba siya sa kwarto ni Edwin para tabihan si Anjeanette o umuwi na lang? Hindi pwede. Hindi niya maiiwanan si Anjeanette na nagiisa sa kwarto ni Edwin. Baka magulat pa 'yun pagkauwi, akalain na may naghihintay palang nakahain na pagkain sa kanyang kama. Anong gagawin niya?

Tumawag na naman ang kakaibang halimuyak ni Anjeanette. Ang amoy na hindi malaman kung pabango o pawis, basta amoy na nakakapagpanginig ng kanyang laman at buto at nagpapadami ng kanyang laway sa bibig. Babalik na lang siya sa kwarto.

Himbing na himbing ang pagkakatulog ng dalawang magsyota sa salas. Naiiwanan naman ni Edwin ang kanyang bahay basta ba silang mga Avengers ang maiiwan. Pagpasok sa kwarto ay isinara niya ito at ina-lock. Hindi nagbabago ang pwesto ni Anjeanette sa kama. Para bang hinihintay talaga siyang bumalik at tabihan ito...o pangarap niya lang iyon na ganun nga ang isipin sa kanya ng dalaga.

Malakas ang tibok ng dibdib niya. Kinakabahan siya; maganda o masamang kaba ba? Hindi niya malaman kung nae-excite ba siya o natatakot; paano kung nagsasalita kapag tulog si Anjeanette? Bakit nga ba siya nangangamba ng ganito? Di ba't nagawa niya ng hubaran ang maraming babae sa balat ng buhay niya?

Lumapit siya papunta sa kama. Nahihilo ata siya dahil sa kaba. Lintik na hangover ito. Umupo siya sa tabi ni Anjeanette at pinagmasdan muli ang mukha at katawan nito; maamong mukha na sumusungit lamang sa kanya, buhok na hindi nagugulo dahil sa higpit ng pagkakatirintas at balingkinitan na katawan na ang kilala lamang ay t-shirt at maong na pantalon. Isama mo na rin ang mala-pinipig niyang amoy. Iniisip niya tuloy kung san magsisimula; sa baba ba muna o sa taas? Kung sa taas ay ayos lang din naman. Kaya niyang magtanggal ng bra gamit ang isang kamay. Multi-tasking kasi dapat para hindi boring. Hindi rin biro matuto ng ganun. Kaylangan ng maramihang practice para maperfect mo ang ganung technique (hustler 'to dre).

Kung sa baba naman siya magsisimula ay wala din namang problema. Ang mahirap lamang tanggalin ay ang skin-tight jeans na suot ni Anjeanette ngayon. Ngayon lang din niya napansin na naka-sapatos pa pala ang dalaga. First time rin niyang magtatanggal ng sapatos na may tali (Converse pa 'to dre). Iyong medyas naman, optional na ang pagtanggal nun. Kahit kaylan naman ay hindi niya tinangkang puntahan ang lugar na iyon. Iwas rin sa mga kiliti at sa mga hindi inaasahang baho.

Medyo matagal ang pagkakatulala ni Slater. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang kanyang kaba. Pumasok ulit sa isipan niya na wala pa palang experience ito si Anjeanette. Virgin nga pala ang babaeng ito kaya siya ginaganahan. Bakit nga ba iyon laging nakakalimutan? Kung sakaling may gawin siya, ito ang magiging first time ni Anjeanette. Tatatak ito sa buhay ng dalaga. Parang lupa na pinunlaan ng buto, ang punong tutubo dito ay depende sa klase ng itatanim. Naging magaling na tigapagtanim naman siya sa mga lupang dumaan sa kanya...pero lahat iyon ay sadyang napunlaan na din ng iba. Kaylan nga ba siya nakapagpunla sa murang lupa?

"Gawin na natin..."

Napatingin siya kay Anjeanette. Hindi naman nagsasalita ang dalaga. Naalala niya ang unang article ni Red Rose na nabasa niya, "De-floration" ang title nito. Kinumpara niya ang virginity ng isang babae sa isang bulaklak na maaari lamang pitasin kapag namukadkad na at malalanta kapag napitas na. Depende sa pumitas kung magtatagal ba ang kagandahan ng bulaklak o mabubulok lamang ito na hindi man lang nagtagal.

Si Anjeanette; isang murang lupa at hindi pa namumukadkad na bulaklak. Susundin ba niya ang sinasabi ng dalaga?

"Slater."

Bahagyang nakamulat si Anjeanette at nakatingin sa kanya. Hindi ito gumagalaw pero ang mata nito ay tila umaabot sa kanya at pinalapit siya.

"Hubaran mo ko."

Sigurado na siyang hindi nanaginip si

Sofia. Baka naman talaga siya ang nanaginip? Pero nakakatitig lamang sa kanya ang dalaga.

Hindi siya makapagsalita, parang may batong nakaharang sa kanyang lalamunan.

Slater! Nagawa mo na 'to di ba?

Si Sofia...

Oo nga, ilang beses na niyang nagawa ito. Marame pa, sa iba't-ibang babae.

Kaya mo 'yan. Hustler ka sa mga ganyan di ba?

Pero si Sofia...

Tignan mo iyong tingin niya sa'yo. Tanggap na niya kung ano ang kapalaran niya. Inamin na niya sa sarili niya na ikaw lang ang makakauna sa kanya.

...si Sofia...

...wala na siya. Matagal na siyang wala.

"Slater."

Matagal na pala siyang nakakatitig sa mga mata ni Anjeanette. Hindi pa rin gumagalaw ang dalaga at naghihintay sa gagawin niya.

"Hindi pwede Anjeanette."

First & LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon