Third: "The more you hate, the more you will love."

4.8K 49 3
                                    

“Kapag ako 'di tinigilan nun! Nakakayamot lang ha, ang feeling!”

Ilalagabog ni Anjeanette ang pintuan ng cabinet at huhubarin ang kanyang damit. Nakatawa lang si Jillian sa kanya na nakadapa sa kanyang kama.

“Anu ka ba ANJ, mabait naman 'yun-”

Isusuot na sana ni Anjeanette ang kanyang damit ng may naalala siya, “Jill, kapag binigay mo number ko dun ha. Nako!”

Nakangiti lang sa kanya ang kanyang bestfriend. Sa mga ganitong panahon ay hindi niya makakapagkatiwalaan ang kanyang kaibigan. Sinuot na lamang niya ang kanyang damit at umupo sa kama at kinuha ang kanyang mga gamit. Tahimik na nagcucutics sina France at Queenie sa kabilang kama ngunit alam niyang nakikinig ang dalawang ito sa pagaalburoto niya.

"’Hi, I'm...yours.’" Hindi na niya napigilang ibato ang gula-gulanit na scratch paper sa basurahan. Hindi na rin niya pinansin ang normal na itsura ng kanyang bag na para na namang pinaglampungan ng mga pusa sa madaling-araw. “Kala niya naman ang gwapo-gwapo niya, ang baduy kaya! Ang corny! Ahh! Ang manyak pa, alam ko naman habol nun sa mga babae eh-“

“Ah grabe te!” Mapapaupo na si Jillian at mapapatingin sa kanya,“Rapist lang? Hindi lang naman ganun gusto nun ANJ, grabehan ha...”

“Sino ba itey?”napatingin na si France sa kanila.

“Anong pangalan nun? Slater? 'Yung feeling pogi, na ang manyak naman. Kakayamot-”

“Binastos ka ba?”sabat ni Queenie habang hinihipan ang kanyang kuko.

“Binabanatan lang naman siya,”singit ni Jillian na nagbasa naman ng magazine. Mapapatawa si Queenie.

“Ganun talaga 'yun. Magalit ka kapag pisikal na banat ang ginawa nun sa'yo.”

“Yesh,” dagdag naman ni France. Hindi na napigilan ni Anjeanette na tumaas ang isa niyang kilay. Bakit para bang kampi ang lahat ng mga kasama niya sa lalaking ‘yun?

“Lagi na lang bang ganun makipagusap ‘yun sa mga babae? Akala ba niya, lahat ng tao natutuwa sa ginagawa niya?”

“Hay nako Anj,” lumapit si Jillian sa kanya, “Eto ‘yung mga panahon na pumapasok ‘yung quote, ‘The more you hate, the more you will love.’ Ayie!”

“Trulalu!”

“Ayie!”

Nako. Napanganga na lang si Anjeanette sa kanila sa hindi pagkakapaniwala. Ano bang ginawa ng lalaking ‘yun at bakit sobra na lang ang pagkampi nila?

“Ang galing-galing niya kaya,” kinikilig si Queenie habang may inaalala. Lumapit naman si Jillian sa kanya.

“Talaga? Anu nga palang nangyari nun?”

First & LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon