Chapter 24: Somehow

16.6K 691 100
                                    

Trey's POV

Ito na ang pinakahihintay na araw ko. Mag-aaudition ako to be a member of our school cheerleading team. I want to be a part of it. Parang mas challenging kasi compare noong highschool.

Hinihiling ko na sana makapasok ako. May background naman ako pero hindi assurance iyon upang mapabilang agad ako.

Kunti lang kaming nag-audition ngayon at halos first year pa. Sabi ng coach ng team ay apat lang daw ang kukunin nila since may nakuha na sila. Kahit pa fourth year high school pa lang ang mga ito ay inoofferan na ng school namin.

They're lucky. Bakit kaya ako, hindi?

Okay lang. Hindi naman kasi ako kapansin-pansin sa team namin dati eh. Palagi lang akong backspot kapag gagawa ng tossing at stunts. Alalay kapag gagawa ng pyramids. Hindi kasi ako malakas para magbuhat ng matagal. Hindi rin ako marunong ng rapid. Back tumbling at zero lang ang kaya ko. Kaya siguro gano'n.

Pero kung mabibigyan ako ng opportunity, ibibigay ko ang best ko. Okay lang na lumaki ang biceps ko at magka-abs ng kunti. Hindi naman kasi ako conscious sa katawan eh and besides, I'm not a crossdresser gay.

Mabuti ng lalaki ang katawan ko para kapag sinaktan ako ni Ash ng sobra, kaya ko siyang sapakin ng malakas. Hahaha.

Pero hindi ko naman magagawa iyon dahil alam ko na hindi niya ako sasaktan ng sobra, diba?

Tinanong ko 'yong mga makakasama kong nag-aawdisyon kung bakit sila sasali. 'Yong iba, gusto lang daw maexperience. 'Yong iba naman para sa scholarship.

Wala akong kamalay-malay kung ano ang ipapagawa sa audition. Akala ko nga mahirap but it turns out na madali lang pala. Keri lang ng lola niyo.

Pagkatapos ng mga iyon ay isa-isa kaming tinanong kung bakit gusto namin mapabilang sa team.

"Gusto kong maging parte ng cheerleading team kasi matagal ko ng gusto ito. Kaunti lang ang experience ko pero bibigay ko po ang lahat ng best ko coach. Natutunan naman po lahat ng tinuturo sa cheerleading if you have the dedication, passion at courage." Iyan ang sinagot ko sa tanong ng coach sa amin.

Matapos niyon ay ipinahayag na kung sino ang mga nakuha.
  
  
"Oh ano Trey? Natanggap ka ba?" 'Yan agad ang bungad sa akin ni Mikael nang makalabas ako ng gym. Bakas sa kanyang mukha ang excitement sa isasagot ko sa kanya.

I want to tease him kaya hindi ako sumagot at napayuko lang. Nakita ko pa ang paglukot ng kanyang mukha. I want to laugh. "Okay lang 'yan Trey. Next time na lang."

Hindi ko na napigilan kaya napatawa ako. Akala siguro nitong si Mikael ay hindi ako natanggap.

"Anong sa susunod ka diyan Mikael. There's no next time because I'm already in."

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa naging pahayag ko. "Really?" 'Di makapaniwalang tanong niya.

Napangiti ako at sunod-sunod na tumango. "My gee. Nakapasok ka nga! Wow that's great!"

"Naman."

"I'm so proud of you Trey!" Napayakap pa siya sa akin.

"Salamat Mikael."

"So libre na 'yan." Nawala ang ngiti sa labi ko. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Fine. Kailan ka ba naging matakaw?"

"Simula nang naging kaibigan kita. Hahaha." Sagot niya. Pareho kaming napatawa.

"So ako pala ang may kasalanan?" Hindi sumagot si Mikael at nagpatuloy lang sa pagtawa. Suportado ako nitong bestfriend ko. Gano'n din naman ako sa kanya kaya nagkakasundo talaga kami.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon