Chapter 31: Should be the last

15K 606 111
                                    


Trey's POV

"Babe please talk to me. Buksan mo naman 'tong pinto oh!"

"Just go away!" Matigas na sigaw ko.

"No! Ayokong umalis unless you talk to me. Please talk to me! Open the door!"

Hindi na ako sumagot sa kanya. Hinayaan ko na lamang siya na kalampagin ang pinto ng kwarto ko. Hihintayin ko na lang na magsawa siya sa kakatok at umalis na lang. And I wish na sana dumating si kuya para paalisin siya. Hindi kasi siya mapaalis ni ate Ganda dahil sa nagpupumilit siya.

Nagpatuloy ako sa pag-iyak habang yakap-yakap ang unan ko. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa sitwasyong ito. Basta ang alam ko, naabutan ko siyang nakaupo sa sofa pagdating ko ng bahay galing kina Mikael.

I don't know too why he wants to talk to me. Diba nga may kadate siya ngayon?

Why do he have to date a girl at meron pang may namamagitan sa kanila ni Julia that they even did the thing only married couples do when he has a boyfriend?

Anong klaseng nilalang siya? Yes, alam kong may pangangalaingan siya, pero tama bang gawin niya iyon? Tama bang gawin niya ang mga bagay na 'yon sa akin?

But I also realized this, sino ba naman ako sa buhay niya? Isang hamak na boyfriend niya lang ako. Isang bakla lang ako. Alam kong maraming hahadlang sa amin. Isang biro lang itong relasyon namin kung sakaling malaman ng ibang tao at ng parents namin especially Ash's.

Do I have the right to complain?

Ughhh! Nafru-frustrate na ako. Hindi ko na alam ang iisipin at gagawin ko. Palagi na lang akong nasasaktan simula nang maging kami ni Ash.

Dapat inaasahan ko na itong mangyari. Inaasahan ko na hindi kami para sa isa't-isa. Sitwasyon na mismo ang nagpapamukha sa akin.

Ash is not meant for me.

Should I accept that?

I-I don't know. I don't know what to think anymore.

Isa lang ang alam ko ngayon. Malapit na akong mapagod. Pagod na rin akong umintindi, tumanggap at higit sa lahat ang masaktan.

"If you'll not going to open it, sisirain ko itong pinto," pagbabanta niya. Hindi pa rin ako sumagot at nagpatuloy lang sa pag-iyak.

"Please Trey, kausapin mo naman ako. Alam kong may problema tayo. We need to talk about it. I want to explain eveything. Hindi gano'n ang iniisip mo. Hindi kita niloloko. Nagmamakaawa ako, kausapin mo ako," pagpapatuloy niya.

By the way he talks, alam kong umiiyak siya. Halata iyon sa boses niya.

Pero bakit siya umiiyak? Bakit kailangan niyang magmakaawa sa akin na kausapin ko siya? Ano bang gusto niya? Diba, hindi niya ako mahal?

"Hindi ako nakipagdate sa ibang babae and trust me, Julia was the one who send that message to you. Wala akong kilalang Samantha at hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Kaninang umaga ko lang nalaman because I lost my cellphone at kanina ko lang din ito nakita." He explained.

Si Julia? Bakit naman ang babaeng iyon ang nagtext sa akin? Bakit? Pinapahiram ba niya ang cellphone niya rito?

Of course, what do you expect Trey? Magkaibigan sila. They're friend so bakit ka pa magtatanong eh normal lang iyon sa magkaibigan. Untag ng isang parte ng utak ko.

Duh! Uso ang maglagay ng password. Hindi lahat ng magkaibigan ay nagpapakialaman ng gamit. Kalakip ng salitang password ang privacy. Bulyaw naman ng isa.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon