Chapter 16: New

22.3K 635 51
                                    

Trey's POV


Matapos ng tagpong iyon ay hindi na ako kinulit o biniro ni Ash ng kung anu-ano. Naging sweet na siya at malambing sa akin.

Subukan pa niyang magbiro ng gano'n dahil puputulin ko talaga ang hinaharap niya.

Parang ito lang ang hinihiling ko no'ng nanliligaw pa lang siya. Pero naiilang ako sapagkat hindi ako sanay na ganoon siya.

Parang mas feel ko 'yong pagiging makulit at palabirong Ash. Well except do'n sa pagiging manyak niya.

Pero mas gusto ko ang version ni Ash ngayon. Nagmature siya ng kunti.

Kunti lang naman. Hihi.

So 'yon nga, when days passed parang babae lang ang peg ko. Loka-loka lang. Tili ng tili kapag tumatawag siya at sasabihan niya ako ng 'I love you.' Minsan nagmumukha nga akong timang dahil bigla na lang ngingiti.

Hindi pa rin kasi ako makaget-over na kaming dalawa na.

Yes, kami na.

Aba, magpapabebe pa ba ako?

Nangako rin ako sa kanya na right after my graduation, I will answer him and that is four weeks ago.

So basically, one month na kami and we're having our first monthsary na. Hindi ko nga alam kung anong magiging surprise niya sa akin eh.

Malamang. Surprise nga diba?

Bobo much!

That four weeks ay nakaalis na sina mom at dad. Bumalik na ng Canada. Pero bago iyon ay nagbakasyon muna kami tulad ng kanilang pinangako. But sad to say hindi nakasama si Ash dahil nagbakasyon din sila kasama ng mga relatives niya.

Noong araw pala sa condo niya after nang pagbibiro niya na patay na kuno siya dahil sa suntok ko ay naging normal lang. Ang tanging nag-iba lang ay naging kami na.

First day of being in a relationship we spent the night together.

Huwag kayong green ha. Walang nangyari sa amin. Kumain lang kami no'n, nanood ng series at natulog nang magkatabi. Hanggang doon lang iyon, no more.

Hindi ako defensive, I'm just stating a fact.

Palabas ako ng elevator ngayon at pupunta na sa unit ng condo niya. Hindi ko maiwasang kabahan at the same time, ma-excite.

Babaeng-babae lang talaga ang feeling ko.

I know the code  to his condo kaya nakapasok agad ako. Alam niya naman na dadating ako ng ganitong oras dahil nagsabi ako sa kanya.

Pagpasok ko, agad ko siyang tinawag. Medyo nakaramdam ako ng kunting disappointment because his condo seems to be normal pa rin. I thought he has a surprise for me.

Napasimangot ako nang sumara ang pinto. Akala ko may surprise talaga siya sa akin.

Bigla tuloy akong naiinis.

Napasinghap naman ako nang biglang may nagtakip ng mga mata ko.

Napagsino ko ito dahil sa amoy nito. Alam na alam ko ang amoy nito. And besides, ito lang naman ang tao sa condo unit kung saan ito nakatira.

"Ash." Ang nakasimangot kong mukha ay mabilis na nawala.

"Dont get my hand until we reach there."

Tumango na lang ako bilang tugon. Kasabay no'n ang namumuong kilig sa aking sistema. Marahil ito na ang kanyang surpresa para sa akin.

Nakailang hakbang kami bago niya tinanggal ang pagkakapiring ng kamay niya sa mga mata ko.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon