Chapter 23: Apologize

15.1K 584 165
                                    

Trey's POV

"O panyo." Bahagya akong nagulat nang may nagsalita mula sa gilid ko. Napabaling ako ng tingin sa taong iyon. Nang mapagsino ko ay hindi ko pinansin.

"Bakla na nga, maarte pa. Ikaw na nga 'tong binibigyan ng panyo eh." Naasar na wika nito.

"Pwede ba Summer, huwag mo akong guluhin. Umalis ka nga!"

"Umiiyak ka kaya punasan mo 'yang mukha mo. Kapag umalis ako at may nakakita sayo na ganyan ka, baka pagbintangan pa akong pinaiyak kita."

Hindi ko ulit pinansin ang panyong nilahad niya bagkus sinamaan ko siya ng tingin.

Ano ba ang ginagawa ng lalaking 'to dito?

"Why are you here ba? Diba dapat nasa loob ka?"

"Ako nga dapat ang nagtatanong sayo niyan. Bakit nandito ka sa labas?"

Inirapan ko siya. Nakakainis lang. Nakuha pa niyang ibalik sa akin ang itinanong ko sa kanya. "You don't care."

"Edi wala ka ring pakialam kung bakit ako lumabas." Hindi lang arogante, pilosopo pa.

Si Summer ay suplado, arogante at isang taong walang pakialam sa paligid. Pero ano kayang ginagawa niya ngayon? Nagbabait-baitan?

May binabalak bang masama sa akin ang lalaking 'to?

Dadagdag pa siya sa pinapasan ko.

Ininsulto na niya ako noon. Ano pa bang gusto niya ngayon? Baka gusto niya ulit akong insultuhin.

"Diba dapat lumalayo ka na sa akin dahil baka landiin kita? Bakit mo ako pinapansin ngayon? Lumalayo na nga rin ako sayo para patunayan na mali ang iniisip mo tungkol sa akin."

"S-Sorry." Napakunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya.

Mahina ang pagkakabigkas niya ng salitang iyon kaya pinaulit ko sa kanya. "A-Anong sabi mo?"

"Hindi ko na uulitin. Sinabi ko na."

"Hindi ko narinig ng maayos. Ulitin mo."

"Hindi na pwede. Sinabi ko na." Giit pa rin niya.

Actually, malinaw naman talaga sa akin ang pagkakasabi niya ng sorry. Gusto ko lang na ulitin niya. Pero sa totoo lang, nagulat ako nang magsorry siya.

Si Summer nagsosorry? Parang ang labo ata, diba?

"Sige na ulitin mo. Kapag inulit mo, kukunin ko na ang panyo."

"Ayoko nga sabi eh. Wala akong pakialam kung hindi mo kukunin ang panyo ko. Ikaw na nga ang inooperan diyan."

Napabuntong hininga na lamang ako. Tumigil na rin ang pag-iyak ko dahil napalitan iyon ng inis. "Okay fine."

Kinuha ko 'yong panyo sa kanya at pinahiran ang mukha ko.

"Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha.

Hindi siya nagsalita kaya nagtanong ulit ako. "Bakit nga?" May pamimilit na sa aking boses.

"Tss. Demanding ka talagang bakla ka." Nagbuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy. "Gusto ko lang humingi ng paumanhin sa mga nasabi ko noong nakaraang linggo."

Pinanliitan ko siya ng mata. Wala kasing sinseridad sa sinabi niya.

"Kung gusto mong mag-apologized, gawin mong kapani-kapaniwala. Wala man lang sinseridad akong nakikita."

"Bwesit ka talagang bakla ka! Napakademanding mo!" Naiinis na reklamo niya. Nginitian ko lang siya.

Aba! Kung manghihingi na lang siya ng pasensya, edi ayusin niya. Masakit kaya ang mga binitawan niyang salita noon sa akin.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon