Chapter 14: Guilt

22.3K 724 92
                                    

Trey's POV

Wala ng mas sasaya pa kapag nalaman mong mahal ka pala ng taong mahal mo. Kahit parang nakaimposible ay posible pala.

Akala ko hindi na maiinlove sa akin ang taong abo. Pero nahumaling din pala siya sa alindog ko.

Walang kokontra.

Naalala ko 'yong umagang umaamin din siya sa akin. Umiyak ako sa sobrang kaligayahan.

After that, I spent a day with him na walang inisip na iba maliban sa saya. Birthday pala ng abo the night after that day. Hindi ko kasi maalala ang birthdate niya.

"I love you." Wika niya. Mabilis ko namang hinarang ang kamay ko sa papalapit niyang mukha. Manghahalik pa eh.

"What's the matter?" Naiinis niyang tanong.

"Hoy! Anong what's the matter ka riyan? Hindi porket mahal mo ako at mahal kita ay basta-basta ka na lang manghahalik. Remember, nanliligaw ka pa lang." Mataray na wika sa kanya.

"Ang arte mo namang bakla ka. Kung hindi lang talag kita mahal kanina pa kita... I love you baby ko, 'wag ka nang magalit please." Tinaasan ko kasi siya ng kilay. Oa lang. Galit na agad 'yon para sa kanya.

Pero yuck ang sagwa niyang tingnan.

Pero ang gwapo pa rin niya ah.

"I'm not mad at you. I just want you to know your limitation, okay. Ikalawang araw mo pa lang sa panliligaw eh nagdedemand ka na agad. Doesn't mean na mahal kita eh pwede mo ng gawin ang ginagawa ng mga magnobyo o magnobya. Akala mo easy-to-get type ako. Manligaw ka ng maayos para magawa mo na ang gustong gawin mo sa akin."

Siya naman ang napataas ng kilay. Pero bakit ang gwapo pa rin niya? Effortless talaga ang kagwapuhan ng abong 'to. "I didn't know na mas sobra ka pa pala sa babae. Hindi mo alam kung gaano ko ibinaba ang sarili ko just to court you. Never pa akong nanligaw noon. Hindi pa ako nagtatanong, umuuo na agad ang mga babae sa akin. Pero sayo, wow! Pa hard-to-get ka ah. Ako pa gagaawa ng effort?"

"And so? Wala akong pakialam. Dapat lang din na ikaw ang gumawa ng effort nu. First time akong mainlove at first time rin na may manligaw sa akin kaya magpapahard-to-get ako. Ayaw kong maging kaladkarin tulad ng iba na papayag lang basta-basta. Sinaktan mo kaya ako kaya paghirapan mo ako. Atsaka pinaiyak mo rin ako ng ilang beses."

"Walangya ka talagang bakla ka! Bakit mo 'ko ginaganito? Nakakalaki ka na ah!"

"You're not a guy anymore na nu. Nainlove ka kaya sa akin." Mataray ang mukha ko pero sa isip ko napapatawa na ako ng sobra. Mas lalo namang nainis ang kanyang mukha. Ops! Below the belt na ang sinabi ko. Pero totoo naman kasi na hindi na siya lalaki. At kasalanan ko 'yon. Hahaha.

Am I that bad?

"Ulitin mo nga 'yong sinabi mo?" Mariin niyang utos.

Ay ano ba 'yan! Kahit galit, ang gwapo pa rin. Gwapo naman talaga siya para sa akin dahil mahal ko siya.

Okay, nakakaumay na.

"Ang alin baby ko?" Malambing kong tanong. Gosh! Hindi ko inakala na masasabi ko 'yon. Hindi naman pwedeng tarayan ko na lang siya dahil baka itigil niya na ang panliligaw. Edi broken hearted na ako pagnagkataon. Magbibigti ako panigurado.

Exaggerated lang. Hahaha.

Imbes na mainis ang kanyang mukha ay lumambot ito. Char, tumalab ang charms ko. "So you call me baby huh? Bakit ba kasi ayaw mo akong sagutin?"

"Manligaw ka nga kasi eh."

"Napakaarte mo talaga. At hoy, hindi pa tayo tapos do'n sa pagiging lalaki ko ah. Tandaan mo 'to. Hindi ako bakla, okay! Nainlove lang ako sayo. Hindi ako nagkagusto sa lalaki maliban sayo. Tandaan mo 'yan."

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon