Chapter 27: Better or worst

16.4K 554 57
                                    

Trey's POV

A

ng saya sa pakiramdam na may bago akong kaibigan. Hindi naman pala suplado si Summer. May time na ganoon siya pero hindi ko na masyadong napapansin iyon dahil sa inis mula sa pang-aasar niya.

Nakuha pa nga niya akong asarin habang tinutungo namin ang sakayan. Nanibago ako sa pagiging ganoon ni Summer but somehow medyo nasasanay na rin ako.

Hinahayaan ko na lang dahil mukhang matagal na panahon na niyang hindi nagagawa iyon, feel ko lang. Atsaka natutuwa ako kapag nakakita siyang ngumingiti at tumatawa.

"Nakangiti ka diyan Trey? Inlove ba ang bestfriend ko?" Bahagya akong nagulat nang magsalita si Mikael na nasa tabi ko. Nandito kami sa library at kasalukuyang gumagawa ng assignment namin.

Pero 'yong sabi niyang nakangiti ako, totoo ba 'yon? Hala. Nababaliw na ba ako? Hindi ko man lang namalayan na nakangiti pala ako.

Medyo napapadalas na 'to ah. It's a good thing din kesa naman sa ibang iniisip ko na ikasasakit lang ng puso ko. Nakakapagod masaktan lalo na kapag ako lang ang nag-iisip na nasasaktan ako.

"Matagal na akong inlove nu!" Nakita ko ang gulat sa mukha ni Mikael.

Nabigla din ako. But I think it's about time to tell him about Ash and me. There's no more hiding since we promised that we will not be keeping secrets between us even if it's too personal. No, close na close na talaga kami. Masasabi ko rin naman na close na kami ni Mikael kaya walang mali kung sasabihin ko sa kanya diba?

Pero bago ko sabihin sa kanya ang tungkol doon uunahin ko munang aminin na nanligaw sa akin si Izzy dati. I grin ridiculously. Ano kaya ang magiging reaksyon niya?

"WHAT!" Sigaw niya matapos kong sabihin sa kanya ang tungkol doon.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa boses niya. Pinagalitan tuloy kami ng librarian. Humingi ng tawad si Makael dito at pinangakong hindi na uulitin.

"Oa ng reaksyon ha." Natatawang wika ko sa kanya.

"Pasensya na Trey. Nabigla lang kasi ako." Napayuko siya, tila ba nahiya sa ginawa. Mukha nga at halatang nagseselos din.

"So selos ka na niyan?"

"H-Ha? H-Hindi ah. Hindi ako nagseselos nu! A-Ano bang pinagsasabi mo riyan Trey?" Hindi raw. Indenial talaga. Why is he stammering though. Akala ko ba hindi kami magtatago ng sekreto sa isa't-isa?

"Kung makareact ka kasi eh. Ano ka ba, wala na 'yong sa amin. Ikaw na kaya ang nililigawan niya atsaka nakamove-on na sa akin si Izzy. I dumped him because I love someone else. Huwag mo ring bastedin ha. Izzy is really a good person."

"Hindi naman siya nanliligaw sa akin." Nahihiyang wika niya.

Nabigla ako. Hala! Torpe talaga kahit kailan si Izzy. Akala ko nililigawan na niya itong si Mikael. Hay naku. Makausap nga ang isang 'yon. Papakainin ko talaga siya ng sandamakmak na yelo. Makikita niya!

"If Izzy will court you, papayagan mo ba?" He look at me but he look away immediately. Hindi agad siya nakapagsalita.

"Mikael?"

"H-Hindi ko alam."

"Tell me honestly, do you have feelings for him." Nanlaki ang kanyang mga mata nang tingnan ako pero agad din siyang umiwas. Halata talaga.

"Mikael answer me. Remember our promise."

Napabuntong hininga siya at dahang-dahang tumango. Pinigilan ko ang tumili dahil nga nasa library kami.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon