In His Hands

79.3K 401 39
                                    

-PROLOGUE-

[****************************************************************************]

Masahol ang mundo. Iyan ang kinalakihan kong pananaw sa buhay. Namulat na ako sa murang edad na kung hindi ka magtratrabaho ay wala kang makakain. Kaya nga iniwan kami ni Papa noon dahil dagdag lang daw kami sa pasanin niya.

Eh sino naman ang inuto niya? Iniwan niya kami dahil sa impaktitang yun! Mayaman kasi kaya ganoon.

Simula noon isinumpa ko na, na mag-aasawa ako nang MAYAMAN. At ipapamukha ko sa walang hiyang Ama ko na hindi lang siya ang pwedeng yumaman. Pati ako! Mas hihigitan ko pa siya, pinapangako ko iyan!

Kaya kapag may nanliligaw sa akin, kinokompronta ko kaagad kapag hindi naman masyadong makapal ang wallet nito. Pag-ibig? Phew! Mas importante ang Pera sa buhay! Mabubusog ka ba diyan kapag iyan ang inuna mo? Hindi naman di ba? Kasayahan? Eh ano ngayon? Sasaya ka kung marami kang pera!

Sa huli pera pa din ang pinaka-mahalaga sa lahat!

“Ewan ko sa’yo Penelope! Ang sakit mo sa bangs!” Pinagmasdan ko si Daisy habang inaayos-ayos nito ang bangs niya. Parang-sira lang, noong nagpa-bangs si Anne Curtis gumaya din. Napangiwi ako noong nakita kong ngumuso-nguso pa ito habang hinahaplos ang bangs niya.

“Oh please Daisy ang sagwa mong tingnan. Maawa ka sa akin!” Inirapan lang ako nito at hindi na ulit ako pinansin. “Hindi ko din naman kasi gusto iyong Erven na iyon.” Mahinang bulong ko. Nakakainis kasi eh. Siya iyong pinag-uusapan namin kanina na nauwi sa hindi pakikipag-usap ngayon sa akin ni Daisy.

“Hindi mo gusto dahil katulad lang din natin siya, AVERAGE!” Tinaasan pa ako nito nang kilay. “Daisy!” Saway ko dito. Baka kasi marinig siya nang mga kasamahan namin dito sa pabrika. Buti nalang at kami lang iyong tao ngayon sa CR.

Isa akong mananahi sa isang brand ng damit. Kahit kilala naman itong brand kung saan kami nagtratrabaho, nasa minimum wage pa din kami ni Daisy. Buti nalang talaga at wala kaming pasok sa Sabado. Iyon nalang talaga ang pakun-swelo sa amin ng kompanya.

 

“Sa totoo naman. Ako tuloy iyong naaawa para doon sa tao. May iba kasi diyan na walang puso at sarili lang ang iniisip.” Napabuga ako nang hangin. Ano ba naman itong si Daisy? Hindi pa ba niya ako kilala. Alam niya kung ano iyong pinaglalaban ko.

“Una na ako sa’yo. Tapos na break natin.” Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko iyong pwesto ko. Kailangan ko pa palang umabot sa kota ngayon kung hindi deduction na naman aabutin ko dito. Sana nga lang makapag-dagdag ako sa minimum na dapat matahi namin, pang-allowance nalang man sana ni Amelia.

Maghapon lang akong nakatunga-nga sa makina ko. Kahit masakit na sa likod wala naman akong magagawa, kailangang kumilos para mabuhay. Para sa upa, sa kuryente, sa tubig, sa pagkain, at higit sa lahat para sa tuition at allowance ni Amelia.

In His Hands (Reading it again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon