CH> 37 Explosion and All

10K 153 30
                                    

SHIN on the Side>>>>>

Sorry po kung ngayon lang ako naUD, sisihin po ang bagyo dahil dyan ay nagdown ang net connection namin dito samin at hindi ako nakapag online ng 5 days.. pero bawi ko po to sa mga reaers ko na naghintay.. hinabaan ko ang UD ko..

Dedic po laht sa inyo ito na naghintay.. kaya wala munang specific person na dedic sa kanya tong chap nato. Ginawa ko to sa nakalipas na 5 days na walang net. Sana maenjoy nyo.

Sana makapagvote at comment naman kayo sa haba ng UD ko ngayon..

play the music if you like>>>

SALAMAT... Mwaaahhh mga bebe..

GAME>>>>>>>

---------------------

ASHLEY'S POV

Buti naman at nakarating kami ng matiwasay dito sa bahay ng namayapa kong grandparents. Ayon yung iba tulog sa buong durasyon ng byahe. Asar pa rin ako kay bhebe Mag kaya naman di ko sya pinapansin. Ayun tuloy lagi ako tinutusok sa tagiliran para pansinin ko ito. Pero kahit na nakikiliti nako sa ginagawa niya ay tinikis ko para maramdaman niya ang pagkaasar ko.

''Babe pansinin mo naman na ako please.'' Saad nito ng makababa na kami sa tapat ng bahay.

''Kaw kasi eh, sabing mas gusto ko sa tapat ng bintana. Ayaw mo naman ibigay.'' Pagtatampo ko.

''Sige sa pagbalik natin kaw nalang sa may bintana. Wag mo lang ako di pansinin ha.'' Aniya.

''Sabi mo yan ha. Lika na nga dito at yan sila tita pkilala ko muna kayo.'' Saad ko at tinawag ko na rin ang tropa, palapit na kasi ang tita ko na kapatid ni mama.

''Buti naman Ashley nkarating kayo dito ng maayos.'' Nakangiting salubong ni tita Sabel, sila ngayon ang nakatira dito sa pamana ni lolo na bahay sakin. Kasama ang batang pinsan kong lalaki.

''Nga pala tita mga classmate ko po, si Den, Colleen, Trisha, Sam, Hero, Rico, Aki, Karl at si Shin po boyfriend ko.'' Pagpapakilala ko, nagmano naman isa isa ang ksibigan ko sa tita ko na nanlaki pa ang mata ng sinabi kong boyfriend ko si Shin.

''Di ka ba nagbibiro anak sa sinabi mong byfriend mo tong kegwapo na binata dito.'' Ani tita.

''Di po nagsisinungaling ang pamangkin niyo po,boyfriend po niya talaga ako.'' Sagot ni Shin sa tita ko at huling nagmano rito.

''Hala sige pumasok na muna tayo sa loob at ng makapananghalian muna kayo aam kong gutom na kayo sa haba ng binyahe niyo.'' Yaya ni tita Sabel samin at sumunod narin kami sa kanya dala ang aming mga gamit.

-----------

''Beks di mo namansinabi na malaki pala tong bahay na pinamana sayo ng yumao mong lolo, at saka kaninong bahay din yung nasa kapit bahay niyo mukhang mayaman.'' Untag sakin ni Den, katatapos lang namin mananghalian at nasa lanai kami sa harap ng bahay.

''Ah yan bang bahay diyan, bahay yan nila kuya Kristof, pero hindi ko alam kung nandyan sila ngayon, kasi sa pagkakatanda ko sa School din siya nagaaral, sa college nga lang. Sana nga magbakasyon siya ngayon. Para makilala niyo rin siya.” Saad ko.

You're the One I Love (boyxboy)Where stories live. Discover now