CH> 33 Side's Story: Den Landi Part 3

7.5K 140 30
                                    

Den as Luhan on the side>>>>>>

Eto na poh UD ko ngayong araw.. sana maenjoy niyo..

Salamat po sa patuloy na pagbasa sa story ko,, nakakatuwang mabasa po yung mga comment niyo,, at mas ginaganahan akong gumawa dahil doon.. sana patuloy kayong magcomment..

GAME>>>>>

-------------------

DEN'S POV

Nyemas na Karl, akalain mo hindi na ako kinulit pa. Tinupad ang sinabi ko, kaasar lang dahil naiinis ako sa sarili ko. Ba't di ko ba siya binigyan ng chance na magexplaine. Argghh.

Ang tanga ko, kung bakit nagpadaig agad ako sa aking galit at pagdamdam sa kanya. Ayan tuloy hindi na ako pinapansin kahit magkasalubong kami.

Mas lalo ko pang kinainis ay napasama na siya sa tropa ng SHAR kaya ayan naging SHARK na sila at mas lalong naging habulin ng mga babaita. Bagay nga sa kanila na SHARK, pano ba naman kung may dumikit ng babae, aba landiin agad, mga animal kasama na rin ang Karl na yon sarap ihagis sa bangin.

May pasuyo suyo at paexplaine na nalalaman pero sinabihan ko lang na wag na ako kausapin tinotoo na. Bwisit na buhay naman oh.

"Beks ang gwapo ni Karl no bagay lang na nasama siya sa SHARK." untag sakin ni Colleen sa pagninilay. Nandito pala kami sa Canteen ng School at nagmemeryenda.

"Anong gwapo naman sa kanya, di kaya noh. Yan ba ang gwapo na sa inyo ewww kayo ha,, lumayo nga kayo sakin baka mahawa ako sa sakit niyo." pagiinarte ko, syempre di nila pede malaman na nagalalaway parin ako sa lalaking yan noh.

"Gaga ikaw ata may sakit, bulag lang ang peg teh. Linisin mo kaya yang mata mo para malinawan. Baka puro muta na andyan." sabat naman ni Trish.

"Che manahimik kayo, kanya kanya lang yan ng taste and I hate the gust of that guys, masyadong hambog. Kita mo nga oh kung pano makipagharutan." sabi ko sabay ingos.

"If I know, nasasaktan ka lang kasi baka crush mo si Papa Karl. Right girls?" ani naman ni Sam at tinusok pa ako sa tagiliran na nagpaigtad sakin.

"Uhuh!!" 

"Anong uhuh!! niyo diyan mga loka, hindi ako kailanman magkakagustoo diyan noh." sorry lord sa pagsisinungaling yoko lang malaman nila, pipi kong dasal dahil baka bigla ako tamaan ng kidlat.

"Sus ayaw pa umamin!! Tsk!! Tsk!!" 

"Ay bahala nga kayo sa buhay niyo, Maiyan kayo nga diyan at baka mabaliw pa ako sa inyo." saad ko at nagmamadali kong nilisan ang lugar tutal tapos naman na akong kumain pero ang mga friendship ko lakas makatawa.. Bwisit..

Sa buong year ng pagiging third year ko ay walang pansinan ang namagitan samin ni Karl kaya hindi mo aakalain na magkakilala kami. Mas lalo din nagdagdagan ang inis at selos na rin dahil nahawa na talaga ito sa kalokohan ng SHAR.

Hanggang sa dumating ang pagiging 4th year student namin. Hindi ko akalain na dahil sa madadagdag na kaibigan namin na si Ashley ay magmemerge ang grupo namin pareho. Pano ba naman nahuli niAshley ang pinakamatinik sa SHARK na parang leader na rin nila. Si Shin, kaya kahit ayoko man ay wala nakong magawa. Lagi nang nakadikit ang tropa nila sa barkada ko.

You're the One I Love (boyxboy)Where stories live. Discover now