CH> 31 Side's Story: Den landi part 1 (Love takes time)

7.9K 142 17
                                    

Den on the side>>>>

Due to readers demand, eto na po ang simula ng kabanata ng buhay ni Den, kilalanin at wag manghusga agad. hahaha... Sana masiyahan at di mabitin.. Wehh.. 

Play the music is you want..

Game>>>>

--------------------

DEN'S POV


"So Son! How's School?" tanong ni papa.

Eto nagtanong nanaman si Dad. Hayz, bakit ba kung kailan kakain siya naman ang hilig nito magtanong. gieee.

"Ok lang naman Dad." walang ganang sagot ko. Lagi naman kasi nagtatanong yan kung anong nangyayari sa school. Eh pare pareho lang naman ang sinabi ko. Para na tuloy kaming sirang plaka.

Wala naman kasing nangyayring kakaiba sa akin sa school di gaya ng Bessy naming si Ashley ang swerte lang dahil ag pinakasikat na Campus figure slash heartthrob slash cassanova at Manwhore ay nahulog sa kanyang alindog at ngayon happy sila sa bawat isa. Hindi rin kami makapaniwala na ang isang tulad ni Shin ay kayangipakita na kahit bakla ang minahal niya ay proud ito. Sana ganun din sakin?

"Wala ba namng nambubuli sayo?" bumalik lang ako sa aking pagiisip dahil sa sinabi ni Dad.

"Wala Dad, takot lang nila sakin." pagmamalaki ko pa, oo wala naman kasing bully sa school namin. Di kagaya ng iba, marami namang kasing kabilang nathird sex sa school.

"Kayong dalawa pwede mamaya na yang tanungan, kumain nalang muna tayo." singit ni mama, buti naman at pinatigil na nito. Tumingin nalang ako kay mommy at nagsmile bilang pasasalamat. 

"Oh Nak tapos  ka nang kumain?" Takang tanong ni mama ng tumayo nako sa hapag.

"Mhie, On diet ako bawal ako tumaba, talbog na nga ako ni Ashley sa ganda, pati ba naman sa kaseksihan wala pa kong laban." sagot ko sa kanya na nakalabi pah.

"Maganda ka naman anak, maswerte lang talaga yung friend mo  na nahanap na niya yung lalaking magpapasaya sa kanya." oo alam nila mommy ang kwento ni Ashley dahil na rin sa kadaldalan ko, kahit di pa man nila ito nakikita sa personal.

"Basta, kailangan mapanatili ko ang aking figure, Sige Mhie Dhie, akyat na ko sa room ko. Goodnight" sabay halik sa pisngi sa aking magulang.

Grabe dumaldal na pala ako di ko pa naipapakilala ang sarili ko. Im Den short for Redentor Samson Jr., Wag na wag nyo akong matawag sa buo kong pangalan magkakapatayan tayo. Gets!! Ok lets continue. 16 yrs of age, only son and daughter. Oh diba ang astig lang, buti nga di ako binugbog ni Dad nang umamin ako sa kanila, tinanggap niya ako ng buo. Si mommy naman ayun nagtatalon pa ng tuwa sa nalaman dahil meron na daw siyang instant babay girl. Hindi na kasi pedeng manganak pa ang mommy dahil pagkasilang sakin ay nagkadeperensya ang kanyang ovary.

Mabuting anak, masunurin at mapagmahal dahil na rin sa pagtanggap nila. Sa school well isa akong malandi, kerengkeng, tsismosa at maharot na bakla. Walang pakialam dyan ako masaya. muahahaha. Kaya siguro di pa ako nagkakaboyfie ngayon dahil sa paguugali ko. Hayz, kung bakit naman saki yung taong nagpromise sakin na ako lang ang mamahalin ay hindi tumupad. Kabwisit na buhay.

You're the One I Love (boyxboy)Where stories live. Discover now