CH> 09 Moments part 2

18K 259 57
                                    

ASHLEY ON THE SIDE>>>>

Enjoy reading.... 

Note:

Sa mga readers po kung may mabasa man kayo na endearment ni ASH like (Mag and Maw) isa lang po talga don ang ginagamit ko yung MAG, wag malito typo error lang, minsan kasi naiisip ko ung word na kurimaw kaya ganyan kinalabasan. But i will try to edit the edit if i have aplenty of time. Hope u understand?

----------------------------------------------

ASHLEY'S POV

"So saan ang first stop natin Maw?" untag ko kay Shin. Kasalukuyang nasa byahe kami, at di ko alam kung saan kami patungo.

"Siguro magmass muna tayo since Linggo naman ngaun." sagot niya. 

"Gusto ko yan, matagal na rin kasi akong di nakapagsimba." nasiyahan kong sagot, di man ako laging nakikimisa, alam ko sa sarili na lagi pa rin niya akong ginagabayan sa lahat ng bagay. 

Pagpasok namin sa loob ng simabahan ay pinili namin umupo sa may likuran, marami rami narin ang tao, at maya lang ay nagsimula na ang misa, syempre tahimik kami muna ngayun ni kumag bilang respeto na rin sa panginoon, baka sunugin pa nya ako, mahirap na no.

Sa buong duration ng misa ang pinakahintay kong parte ay yung kung san maghahawak kamay kayo ng katabi mo at kantahin ng ang Our Father, sa pagdaop ng palad namin ay may mumunting kuryente sa aking kaibuturan na laging nangyayari kung siya ay madikit sakin. Pagkatapos nang kanta ay sumonod naman ng peace be with sa isa't isa, at nang pagharap ko sa kanya para batiin ay nagulat nalang ako sa ginawa niya. 

Pagkabigkas niya sa salita, bigla ba nama akong halikan sa pingi. Shit lang tong kumag na to alam na nga kung sang lugar kami, ginawa pa niya. Paglingon ko sa kanya, aba ngnitian lang ako ng ungas. Kahit naman kinilig ako sa ginawa niya alam kong marami ng pinagiisip ang nakapaligid samin, kahit di ako lumingon ramdam ko ang kanilang tingin sa akin. Kung bakit ba naman kasi dito sa pilipinas ang hilig mangmata ng mga tao, konti lang ang nakakaintindi sa aming mga beki.

Tapos na ang misa, kaya hinila ko na agad siya para makalabas kami agad at nag hindi kami makikipagsiksikan sa mga tao.

"Guys diba si Shin yun, at bakit kasama nya si Ashley." biglang dinig kong salita ng isang babae at paglingon ko, di ko naman kilala ang nagsalita pero malakas ang feeling kong ka-school mate namin sya. Patay! For sure kakalat sa buong campus to, eh pano magkahawak kamay kaming nakita habang palaba ng simbahan.

"Oo nga no! Nagdate ba sila? Hala scoop to girls, dali kunan natin ng picture." bigkas pa ng isa at pagkarinig ko palang non, at alam kong narinig rin ni Shin, dahil sa kagustuhang makaalis kaagad ay hinila ko syiya. Ang masaklap di naman siya nakisama, paglingon ko sa kanya, ARGG yan nanaman yung nakakaloko nyang ngiti.

"Ano bang ginagawa mo? Wag mong sabihin di mo narinig sila na pinaguusapan tayo, at malamang bukas din sira na reputasyon mo, and for sure, maraming magagalit sakin at baka may biglang mangsabunot sakin." inis kong sabi sa kanya. 

"So! Anong paki ko sa sasabihin nila, di naman nila alam kung ano ang nararamdaman ko sayo, diba? At wala silang pakialam sa buhay ko, dahil ako ang magdedeside kung ano ang makapagpaligaya sakin. And since nung inamin ko sayong mahal kita pinaghandaan ko na rin kung anu man ang sasabihin ng ibang tao." mahaba nyang saad habang tinigan ako sa mata, at kita ko doon kung pagmamahal na sinabi nya, naiiyak ako sa tuwa dahil sa narinig ko, hindi ko kasi akalain na sa kanya ko maririnig yung salitang binigkas nya. 

"At saka di kita kinakahiya kung yan ang kinakatakot mo. Dahil pag kasama kita, sa bawat oras na kasama kita since nung unang kita ko sayo, ibang saya ang binigay mo sakin. So dont think too much that are not necessary. Ok!" dagdag pa niya at dahil sa pagka overwhelm ko sa sinabi nya ay sinagot ko nalang nalang siya ng tango.

You're the One I Love (boyxboy)Where stories live. Discover now