CH> 18 Birthday Part 1

8.7K 166 6
                                    

Shin on the side>>>>>>>>>>>>>>>>>

GAme>>

Sa lahat ng tumangkilik ng aking gawa. salamat sana hindi kayo magsawa.. 

Plug ko na rin po ung isa ko pang story Ang Maligno Sa Chapel...

SHIN'S POV

Ang saya ko lang talaga ngayon dahil officially, matatawag ko nang akin i Ashley. Hindi ko nga inaasahan na mapapadali ang pagsagot niya sakin. Buti nalang maganda ang timing ng program. Kundi dahil doon di ko pa rin sigro napasagot siya. At bukas ay ang oras na ipapakilala ko na siya bilang boyfriend ko. 

Actually nyan wala nang problema sa parents ko na nagmahal ako sa kapwa ko lalaki, pero di ko pa sinabi kay Ashley na alam na nila mommy at daddy, para matense naman siya kahit papano. AHAHAHa Sama ko lang na boyfriend no. Pati boyfriend ko pinagtritirpan ko pa.

Maalala ko pa noong araw na yon na kinompronta ako ni Daddy tungkol sa nararamdaman ko.

~Flash Back~

Kakauwi ko noon galing school ng madatnan ko na nasa sala ang aking magulang kasama si Kilphi. 

"Oh Shin nakauwi ka na pala." bungad ni papa

"Yes ma. And dad Welcome Home." saad ko at nilapitan si Dad at binigyan ng isang mahigpit na hayap.

"Thanks Son! So how's school" tanong naman niya nang makaupo na rin ako sa tabi nila.

"Great dad! It become really great." saad ko at napangiti ako ng wala a oras dahil naalala ko nanaman ang magandang mukha ni Ashley.

"About that son, I think we need to talked seriously now." biglang sersoyong saad niya, bigla tuloy akong kinabahan. Pag ganito na kasi ang tono ng boses niya, alam kong may hindi magandang paguusapan.

"About what dad?" napatanong nalang ako dahil wala akong clue kung anuman ang paguusapan namin.

"Kilphi baby, can you just go for a while in your room, we need to discuss something important with your hyung." saad ni mommy kay Kilphie na sinunod naman niya.

"Okay lets start! Naikwento ng mommy sakin na meron ka atang kinahuhumalingan sa school niyo? Tama ba?" diretsong tanong ni Dad.  At napatingin nalang ako kay mommy na biglang iniwasan ang tingin ko. May alam kaya si mommy? Maybe this is the right time na aaminin ko sa kanila na nainlove ako sa isang bakla. 

"Aaminin ko dad, meron nga po at hindi ko lang po siya gusto kundi mahal na mahal po." diretso ko ding aad at rinig ko pa ang pagsinghap ni mama. Siguro dahil hindi niya inaasahan na ang anak niyang kabi kabila ang babae ay biglang magseseryoso dahil sa pagibig.

"Ok, that fine. Pero ang nakarating sakin is that, She is not a She but  a he? Am i right Shin?" sabi na nga ba may alam na ang mommy ko at nasabi na agad niya kay dad. Napalunuk tuloy ako ng laway ng wala sa oras. dahil napakaseryoso ng mukha ni daddy ko.

"Yes Dad?" pikit mata kong sagot, its now or never. At least im being honest with them. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa suntok na ibibigay sakin ni dad pero imbes na suntok ay isang malalim na buntong hininga ang narinig ko. Kay dinilat ko agad ang mata ko. At nakita ko pa siyang ngumiti.

"Thanks Son for being honest with us. Sabihin na nating hindi ko inaasahan ito, pero sa nakikita ko sayo mahal mo talaga siya. Kaya pinapayagan na kita na magkarelasyon a kanya. Sa isang kondisyon?" saad niya.

"Anong kondisyon dad?" ani ko agad mahirap na magbago isip niya, ngayon pa na tinanggap na niya.

"Dapat ipakilala mo siya samin sa lalong madaling panahon. Ayos ba yon, at nang makilatis ko na rin kung pano niya nabihag ang puso ng anak ko." sagot ni papa.

You're the One I Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon