CH> 17 Official

8.3K 160 10
                                    

ASHLEY'S POV

Kahiya ng ginawa ko. ngayon lang nagsink in sa utak ko na ako pala ang unang humalik kay Shin sa harap ng madla. Kahit nandito na kami sa backstage ay dinig ko pa din ang mga kuro kuro ng mga estudyante at kanilang mapanuring tingin na binibigay nila saming dalawa.

Sino ba, ang magaakala na may special performance pang nalalaman ang boyfriend ko. Oo mga ateng, officially kami ng dalawa at ngayon nga ay hindi na ako nilalayuan ng bebe Shin ko. 

"Babe, Nagtext si Hero, hihintayin nalang daw tayo ng tropa sa may Canteen, Since already lunch time, so we better get going." saad sakin ni Shin.

"SIge! kunin ko lang yung mga gamit natin." 

"Ako nalang, mabibigatan ka pa." Ayiieee!! talga naman tong boyfriend ko extra sweet sa akin.

"Tara na babe." ani niya pagkakuha sa mga gamit namin, habang papalabas kami ay nakaakbay siya sakin at dahil feel ko ng boyfriend ko siya nilingkis ko na rin kamay ko sa beyang niya. makaPDa lang kami, ayan tinginan mga babaeng ingitera, bahala sila sa buhay nila. Mamatay sila sa inggit. Bwahahaha!!

"KYAAAAAAAAAAA!!! Nandito na ang ASSHI Couple!!" anong meron?

Sigawan ba naman ang mga estudyante ng pumasok na kami ng canteen ni Shin. Ang haharot lang ng mga lower year. Kami naman ni Shin wapels muna, diretso lang a dating pwesto ng tropa.

"Guys anong meron, Ba't ang gulo ata dito sa Canteen? Di naman dating ganito ahh?" tanong ko sa tropa ng makalapit na kami, at aba ang mga tingin ang lalapad ng mga bunganga sa pagngiti, sarap pingasin.

"Bro, congrats success ang ginawa mo." saad ni Hero at lumapit pa to kay Shin at nakipagmanly hug, na sinunod din ng iba.

"Thanks Dre, di ko nga akalain na sasgutin niya rin ako dun, kala ko nga papatagalin pa ng babe ko paghihirap." ani niya, talagang inisip pa niya na di ko siya sasagutin pag ginawa niya yun ha. Ano ako tange, di na uy.

"Kabog na kabog mga beauty namin sa eskena nyo, lam nyo ba, pati mga teachers pinakilig nyo ng sobra." saad naman ni Den.

"Sabi mo pa, to ngang si Ashley nanghalik pa." saad naman ni Sam.

"Wag nyo nga ipaalala na yung ginawa ko, kakahiya kaya." saad ko sa namumulang mukha.

"Ba't ka naman nahihiya, ibig sabihin kinakahiya mo rin ako ganon." biglang tampong saad naman bebe ko.

"Di naman ganun bebe Mag, Lam mo namang kaw lang Love ko diba?" saad ko abay haplos sa kanyang pisngi.

"Kailan kaya tayo magkakalove life mga girls, kainggit sila oh?" ani Trish 

"Bakit di mo nalang kasi ako sagutin para may love life na tayo pareho?" banat naman agad ni Aki.

"He!! Tumigil ka nga, if I know masaya ka dun sa kinalantari mo kahapon." asar na aad niya kay Aki. 

"Di ko naman yun gusto eh, bigala nalang lumapit sakin at nanghalik. Sa anong magagawa ko gwapo naman ako. Diba guys?" saad nya at talagang naghanap pa ng suporta samin ang gago.

"Basta bahala ka sa buhay mo, Ayaw muna kitang kausap." ani trish at iningusan lang si Aki, napakamot nalang tuloy sa ulo ang loko.

"Maiba nga pala ako Bro, Maghahanda ka ba bukas para sa birthday mo?" anong sabi. Birthday ng bebe ko bukas. binalinga ko tuloy agad si Shin at iniharap ang mukha niya sakin at binigyan ko siya ng nangtutugis na tingin.

"Ba't di ko alam na birthday mo bukas?Bakit wala ka man lang sinabi sakin ha? Magsalita ka?" tanong ko.

"Well akala ko kasi alam mo na eh." saad niya at ang cute lang ng gago dahil nagpapawa ang mukha akala siguro niya galit ako. 

"Eh!! Kaw naman eh!! Dapat sinabi mo, pano nalang yan wala akong nakahandang gift sayo." nakakatampo naman siya, kala ko alam ko na lahat, yun pala napakasimpleng bagay di ko pa inalam.

"Wag kang magalala, binigay mo naman ngayon ang pinakamagandang regalo sakin. Ikaw!" At hinalikan ako sa harap ng tropa.

"Hoy!! Wag masyadong PDA, tong dalawang to baka may gawin pa kayong milagro dito." singit bigla ni Den. Natawa nalang kami sa aad ni Den, Milagro agad di ba pedeng hubaran muna.

"So ano nga Tol, may handaan ba?" tanong uli ni Hero.

"Sabi ni mommy, maliit lang na salo salo ang mangyayari. At naiisip ko na mas maganda na yun, Since kayo lang naman ng tropa ang iimbitahan ko.

"Nice, party! party! bukas, may inumin ba na alak Tol?" tanong ni Karl.

"I'll try to talk with my Father regarding that." Shin

"Nice, sana pumayag si Tito." Karl

"By the way Babe, bukas na rin pala kita ipapakilala sa Parents ko." baling niya sakin.

"Ha!! bukas talaga? wag muna kaya, natatakot ako." bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya, di ko kasi alam kung matatanggap ba ng pamilya niya na ang nagkaboyfriend ng bading ang anak nila.

Kung sa part ng pamilya ko wala ako problema, dahil halata naman na botong boto sila sa binata. pano nalang sa side niya.

"Wag ka magalala, Im sure they will like you." Sana nga.

Sundan>>>>>

Tsup :*

--------------------------------

Sorry po kung maiksi lang UD ko nagyon, nagmental block kasi ako bigla, ang daming kong gustong ilagay pero di ko alam kung pano ko pagsunud sunurin. T_T..

Promise babawi ako sa susunod na mga Chaps..

You're the One I Love (boyxboy)Where stories live. Discover now