STBE - Thirty Four

2K 16 5
                                    

CHAPTER 34

Tumigil ako sa main street namin. Iniisip ko kung saan ba ako pupunta. Sa kanan, sa bahay. Sa kaliwa, sa basketball court. Nanatili lang akong nakatayo dito. Kitang-kita ko ang anino kong nasa gilid ko lang dahil sa pagkakatutok ng street light.

“Kanan?” Sabi kong nakatingin sa kanan. Tanaw ko ang bahay namin.

“O, sa kaliwa.” Tingin ako sa kaliwa. Nag-isip ako ng malalim. At napag-isipang kong pumunta sa basketball court. gusto ko munang mapag-isa. 

At, ito nga naglakad ako papunta dun. Nang nakarating na ako sa court, walang tao. Buti naman. Makakapag-isa na rin ako.

Umupo ako sa pinakagitnang parte ng bleachers. Nakatunganga. Tulala. Pilit na pumapasok sa utak ko ang mga nangyari kanina. Ganito ata ako. ako ang tipon ng taong, binabalik-balikan ang nakaraan.

Tinakpan ko ang mukha ko ng kamay. Ito na naman. Pinipigilan ko na namang umiyak. Ang tanga ko! ang tanga-tanga ko! bakit ko ba kasi pinipigilan?

“Anong masama kung umiyak ka, Sam! ano?!” tanong ko sa sarili ko na lalong hinihigpitan ang pagtatakip sa mukha ko. ang hirap ipaliwanag. Basta ang alam ko, nasasaktan ako ngayon. At sinasabi ng sarili kong, wag umiyak. Wag umiyak!

Inalis ko ang kamay sa mukha ko’t tiningnan na lang ang buong court. Ang court na toh. Marami ditong alaala na hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan. Isa SYA sa mga alaalang yun.

*FLASHBACK*

 “Halika ka nga dito!” tinawag nya akong pasigaw kasi nasa bleachers ako. sya naman malapit sa basketball ring.

“Bakit?” 

“Basta!” tumayo ako ng bleachers at nilapitan naman sya.

“Pustahan tayo.” Sabi nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

“Aba! Loko!”-binatukan ko sya-“at kailan ka pa natutong magsugal ha?”

“Naman oh!” hawak-hawak nya ulo nya.

“Sagutin mo na lang kasi.” binabounce nya ulit ang bola. Hindi muna ako sumagot.

“Fine! Ano yun?” he smiled at me.

 “Ano sa tingin mo? Makakashoot ako o hindi?” nakatingin sya sa ring.

 “Syempre, hindi!” confident ko pang pagkasabi.

“Ows? Paano mo nasabi?”

“Hindi ka naman marunong magbasketball eh.”-I crossed my arms in my chest-“Pagnagttry kang magshoot, minsan hindi abot. Minsan lagpas. Tsk.” Pang-asar ko sa kanyang tumatawa.

“Talaga lang ha?”

“Oo.”

“Sige. Ganito.”-inipit nya ang bola sa tagiliran nya-“Kapag hindi ko nakashoot, lilibre mo ako ng Snickers.” Sus! Snickers lang pala. Favorite chocolate nya yun.

“Sure. Why not? Eh paano naman kung nakashoot ka?”

“Then… you have to kiss me.” napanganga ako sa sinabi nya. Hello? Ok lang sya?

“Ok ka lang?!” 

“Tst. Seryoso ako. O-K?” inemphasize nya yung word na OK. 

“No. Saan muna kita hahalikan?” he smiled evilly. Loko-loko na toh. Tinuro nya yung cheeks nya. Ah! ok. Sige lang. cheeks lang naman eh.

“Ahh. Ok.”

“Good.” Nakangisi pa sya.

“Last question…”

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon