Chapter 37 - "Memories - Final Chapter"

8.3K 219 64
                                    

Claire's POV

"ABBY! ANAK KOOOO!", sigaw ng mama ni Abby habang iyak ng iyak, kadarating lang nila galing airport. Dumeretso sila dito sa St. Faustina's Chapel, kung saan.... haaaaaay. Ang sakit sakit isipin na wala na ang bestie ko. Wala na akong babantayan at tutulungang tumakas sa ospital.

Matagal ko nang hinanda ang sarili ko na darating din ang araw na to, pero ang hirap palang mawalan ng kaibigan, lalo na kung kapatid na ang turing mo sa kanya.

"Are you okay?", narinig ko nalang na tanong ni Alex sa akin.

"I'm not.", maiksing sagot ko dahil hindi naman talaga ako okay. Niyakap naman ako ni Alex na kahit papano, nagpagaan ng loob ko. Napakalungkot ko. Mabuti nalang at hindi ako iniiwan ni Alex, lagi lang siyang nasa tabi ko, at ni Drew.

Isa pang inaalala ko ay si Drew. Nalaman kong may sakit din siya kaya masama sa kanya ang mastress. Nalaman ko rin ang nangyari sa kanya nang gabing bawian ng buhay si Abby, at naiintindihan ko siya kahit noong una, nagalit talaga ako.

Alam kong mahirap para kay Drew ang nangyari, lalo na't wala siya sa tabi ni Abby ng mga oras na yon. Pero may isa pa akong hindi nagagawa dahil hindi ko alam kung pano ko gagawin. Ang iniwang CD ni Abby na pinagbilin niya na ibigay ko daw kay Drew, kung sakaling mawawala na siya. Bukas ko planong ibigay sa kanya, pagkatapos ng libing.

Drew's POV

Wala na. Wala na ang asawa ko. Wala na ang buhay ko.

Ang sakit isipin na kung kelan ako nagmahal ng seryoso, tsaka pa nawala agad. Sobrang karma naman tong nangyari saken. Minsan, iniisip ko, buti nalang at may sakit din ako, dahil alam kong hindi na rin magtatagal ang pasakit na nararamdaman ko.

Napakasakit at napakahirap. Kung pwede lang, sana mawala na rin ako. Lahat ng bagay na makita ko, si Abby ang naaalala ko. Kapag umuulan, naiisip ko kung kelan kami unang nagkita dahil umuulan ng oras na yun. Pati na rin ang paglubog ng araw, na alam kong gustong gusto niya. Mga paborito niyang pagkain, Chinese fried rice, siomai at kung ano-ano pa.

"Drew", nagising nalang ako sa katotohanan nang tawagin ako ni Claire. Niyakap niya ako. Katatapos lang ng libing. Alam kong isa rin si Claire sa mga sobrang nahihirapan ngayon.

"Ano yan?", tanong ko dahil may binibigay siya sa akin na paper bag.

"Pinapabigay niya.", nakita kong nangilid ang luha sa mga mata ni Claire. Kinuha ko nalang yung paper bag at hindi na ako umimik.

Back off.. Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now