Chapter 14 - "Starry Night"

6.8K 138 5
                                    

Abby's POV

"Nasan ba kasi kotse mo?", tanong ko sa kanya dahil heto kami ngayon, naglalakad sa kawalan.

"Nah.", tinignan lang niya ako at ngumiti.

'Gusto mo ba ko patayin? Wag mo nga pinapakita sa akin yang killer smile mo Drew Christian Mendez!", at syempre, sabi lang ulit ng utak ko to.

Baka naman naiisip niyo, kaya ako nasa hospital kasi nasisiraan ako ng baet dahil kinakausap ako ng utak ko. Hahahaha! Sino ba naman kasi ang hindi masisiraan ng baet pag nakita ang killer smile ng mokong na to. Nagtataka nga ako bakit hindi ko to na-realize nung una kaming magkita, e kung tutuusin lagi siyang nakangiti nun. Siguro nangibabaw lang talaga yung inis ko sa kanya kasi ang angas ng dating.

Ang awkward ng situation. Tahimik lang siya habang naglalakad kami. Sa tuwing magsasalita ako, titingin lang siya tapos ngingiti. Ano kaya trip niya?

"Huy panget! Bakit nga tayo naglalakad tsaka saan ba tayo pupunta?", hindi na ako nag eexpect ng sagot, ngiti lang ang hinihintay ko.

"Look!", aba sumagot! Teka, saan ako titingin? Tumingala siya, kaya tumingala lang din ako.

Waaaah! ANG GANDAAA! Ngayon ko lang napansin na ang daming stars sa langit. Sobrang sarap tignan ng mga ito, wala kasing nakaharang na ulap.

Tumingin ako sa paligid ko. Hindi pamilyar sa akin ang lugar kahit alam kong malapit lang to sa ospital kasi nga nalakad lang namin. Sobrang ganda ng place na to. Maaliwalas at maraming ilaw. Parang mini park na maraming benches sa gilid, katabi ng mga halaman na punong puno ng makukulay na bulaklak.

Patuloy lang kami sa paglalakad nang mabagal. Marami rin akong napansin na couples na naglalakad din dito.

"Tara dun tayo!", sabi ni Drew.

Naglakad pa kami tapos may isang maliit na hill, as in maliit lang talaga kaya naakyat namin agad. Pagdating namin sa tuktok, bigla siyang nahiga sa damo.

"Come here.", man of few words ba ang peg niya ngayong gabi? At ako naman eto, sunod ng sunod sa mga sinasabi niya. Bawat salita ni Drew, parang may lubid na humahatak sa akin.

Humiga na din ako sa tabi niya. Wala naman sigurong mangyayaring masama kasi public place to. May nakita din akong isang pamilya na malapit sa amin kaya malakas ang loob ko.

Back off.. Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon