Chapter 8 - "The Come Back"

7.4K 156 9
                                    

Abby's POV

At dahil nga bantay sarado na ako, mukhang mahihirapan na talaga akong lumabas ng ospital na to. Ano kaya magawa? Wala pa naman si Claire ngayon dahil kinuha niya grades niya sa school pero sabi niya babalik daw siya agad. Nahihiya na rin ako sa bestfriend ko dahil pati siya parang nakakulong na din dito, summer vacation pa naman niya.

Haaay, naiinip na talaga ko kaya naisipan kong lumabas ng room ko. Tama! Pupunta muna ako sa  garden. May pond din naman doon na maraming makukulay na koi fish. Paborito kong spot yun dito sa ospital. Doon kasi nagrerelax ang mga pasyente lalo na ang mga cancer patients.

Lakad... Lakad... Lakad....

"Hi ate!", narinig kong bati ng isang batang babae na nasa wheelchair. Sa tantsa ko, siguro 12 years old lang siya.

"Hello!", tipid na sagot ko habang kumakaway ng konti.

"Anong pangalan mo ate?", aba! Parang ang friendly naman niya. Hindi nawawala ang ngiti sa mukha niya.

"I'm Abby, ikaw?", ewan ko pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

"Talaga? Pareho tayo ate Abby. My name is Abby Kate Tamayo, pero Kate ang tawag sa akin ng friends ko.", sabi niya. Natutuwa talaga ako sa kanya.

"Really? Nakakatuwa ka naman Kate. Mmm, matagal ka na ba dito sa hospital na to? Kasi parang ngayon lang kita nakita e.", tanong ko.

"Hindi ate Abby. Nagtransfer lang ako dito two days ago, mas magaling daw kasi ang doctors dito.", nakangiti pa ring sagot niya.

Ang sarap pala sa pakiramdam pag may tumatawag sayo na ate. First time to! Kuya lang kasi ang meron ako, tapos hindi ko pa kasama. Feel na feel ko tuloy ang pagiging ate. Hahaha!

"Ahhh, oo magagaling nga ang doctors dito. Tara! Punta tayo dun sa may pond.", aya ko sa kanya, tapos ako na rin ang nagtulak ng wheelchair niya.

"Talaga? May pond dito? Matagal ka na ba dito ate Abby?", tanong ni Kate.

"Mmmm, 3 years na ko dito nakatira. Nakakainip nga e, wala pa ang family ko. Pero kasama ko ang bestfriend ko, papakilala kita mamaya.", parang natuwa pa siya lalo sa sinabi ko.

"YEY! Ang baet mo naman sa akin ate Abby. Pwede din ba tayo maging friends?"

Back off.. Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon