Chapter 15 - "The Deal"

5.5K 118 1
                                    

Drew's POV

"Im.... in love with her."

Sa wakas, naamin ko din. Inamin na din ng puso ko ang totoo. Pero tama ba? Tama ba ang sinabi ko? Ngayon nga ba ang tamang panahon para sa ganitong sitwasyon? Sinong tanga nga naman ang maniniwala sa isang babaerong katulad ko? Ngayon ko kailangan na pairalin ni Abby ang pagiging stupid niya.

Saglit na nanlaki ang mga mata ni Abby sa narinig habang napatingin siya sa akin. Agad naman niyang binawi ang tingin nang tignan ko siya sa mga mata niya.

"You're impossible!", sabi ng babae pagkatapos ay kinuha ang baso ng wine sa table at ibinuhos sa mukha ko at padabog na umalis.

Pakiramdam ko ay lalamunin ako ng lupa sa sobrang hiya na inabot ko sa harap ni Abby. Bakit ngayon pa? Bakit sa harap pa niya?

"Here.", napatingin ako kay Abby mula sa pagkakayuko. Inaabot niya sa akin ang panyo na hawak niya.

"She's really pissed. Hihihi!", nakangiting sabi niya na alam ko namang pinipilit lang niyang maging normal ang sitwasyon. Hindi rin siya nagreact sa inamin ko.

Pinagpatuloy lang niya ang pagkain ngunit hindi siya nagsasalita. Marahil tinatantsa niya kung ano ang susunod na gagawin at sasabihin ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin at sabihin sa mga oras na to.

"I'm sorry.", sabi ko habang nakatitig sa kanya.

Napahinto siya sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa akin. Ito lang ang kaya kong sabihin sa ngayon. Wala akong narinig na sagot galing sa kanya. She just gave me her sweetest smile.

Nang matapos kaming kumain, nag-aya na siyang bumalik sa ospital dahil gabi na daw masyado. Dahil dala ko na ang kotse ko, hindi na namin kinailangang umakyat muli ng pader. Walang nagsasalita sa amin habang nasa byahe.

"Mmmm, dun mo nalang ako ibaba sa likod.", pagbasag niya sa katahimikan nang makapasok na kami sa gate ng ospital.

"Hindi ka pa papasok sa loob?", tanong ko.

Back off.. Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now