Chapter 23 - "Too Afraid to Lose You"

5.4K 94 2
                                    

 

 

Drew’s POV

“WAAAAAAAHHH! Tabi kayo! Tabi! WAAAAH!”, narinig kong sigaw ng babae pagkalabas ko ng clinic ni Dr. Vasquez.

Boses palang, alam na alam kong si Abby na yung sumisigaw. Pero bakit? Anong problema nun at parang hinahabol ng sampung kabayo. At ayun, hindi nga ako nagkamali, nakita ko siyang tumatakbo sa hallway ng ospital.

“Hey, what happened?”, simpleng tanong ko nang mapalapit siya sa akin. Kahit wala ako sa mood, nag-aalala pa rin ako bakit siya ganun.

“Waaaaaaaaaaah! Tabi ka jan dumdum! Naje-jebs ako!”, sigaw niya sabay hawi sa akin sa daan habang patuloy pa rin sa pagktakbo.

Najejebs lang pala e ---- Wait...... Loading.... Najejebs? HAHAHA! At talagang kailangan pa niyang isigaw yun? Malungkot ako kanina e, sobrang problemado ako, pero ganito ang sasalubong sakin? Tsssss. Pag talaga endangered species ang minahal mo, ngingiti at ngingiti ka kahit gaano pa kalalim ang problema mo.

Haaaaay, bakit ka ba ganyan Abby? Kahit wala kang kasing bobo, kahit gaano ka pa kababoy at kabalahura, hindi ko magawang maturn-off sayo. Tsssss.

Sinundan ko siya sa room niya, at mukhang nakaupo parin siya sa trono niya hanggang ngayon. Umupo muna ako sa sofa, pilit ko pang inaabsorb ang mga nalaman ko. Bakit kailangang man------..

“Hey, dumdum, mukang anglayo ng iniisip mo ah. Himala, dala mo yang brain mo ngayon.”, sino pa ba ang mang-aasar sa akin ng ganito. Pinilit kong ngumiti.

“Pawis na pawis ka ah.”, pag-iwas ko sa tanong niya. tumayo ako at nilapitan ko siya tapos pinunasan ko ang pawis niya.

“Eh ang hirap kaya jumebs. Hahaha! Alis tayo dumdum!”, ang saya ng aura ni Abby ngayon.

“Huh, ahh, eh saan naman tayo pupunta?”, pagod na pagod ako physically, mentally and emotionally, pero hindi ko magawang tanggihan ang isang to.

“Sa zoo! Tara na bilis! Nakita ko sa news kanina e, hindi pa ko napupunta dun!”, parang bata na sabi niya. Hinahatak pa niya ang laylayan ng shirt ko.

“Magbibihis na ko ha! Labas ka na bilis!”, at ayun, tinulak niya ako palabas ng room niya.

Hindi na ako nakasagot, kaya naghintay nalang ako sa labas. Tinawagan ko na rin ang isa kong tauhan sa kompanya para magdala ng kotse dito sa hospital. Hinatid lang naman kasi ako ni Alex kanina kaya hindi ako nakapagdala ng sasakyan. Maya-maya, lumabas na rin siya. Kumpleto sa outfit, parang magha-hiking ang dating. May backpack pa tapos may cap.

Back off.. Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now