Chapter 22 - "Regrets and Mistakes"

5.5K 87 4
                                    

 

 

Abby’s POV

 

 

“ARAY KO NAMAN!”, batukan ba naman ako ng bruhang to.

“Eh pano ang engot mo!” – Claire

“HA! Bakit nanaman?”

“Haaaaay. Abby magising ka nga sa katotohanan! Bakit ba pilit mong tinatakbuhan yung mga bagay na nagpapasaya sayo?”, seryosong sabi ni Claire.

“Bakit, hindi naman kita tinatakbuhan ah?”

“YIIIIEEEE! Talaga bestie? Napapasaya kita? WAAAAAAAAAH!”, nagtatalon at nagpapalakpak ang bruha kong bestfriend. Yayakapin na sana niya ko kaso..........

*PAK!

 

 

“KYAAAAAAAAH! Nakakarami ka na ha! Bugbog na ko bestie! Awat na!”, pinalo nanaman ako sa noo.

“Eh pano, inuuto mo ko! Ang sinasabi ko lang, alam kong ayaw mo ma-in love dahil sa sitwasyon mo, pero wala namang masama kung magpapakasaya ka.” – Claire

“Pag nagpakasaya ko, parang naging selfish na din ako Claire.”

“Abby naman! Buong buhay mo, puro ibang tao nalang inisip mo. Kahit minsan naman kapakanan mo unahin mo.” – Claire

“Ayokong masaktan si Drew dahil sa akin. Sa mga nalaman ko kanina about him, di ko kakayaning masaktan pa siya. Masaya naman ako na magkaibigan kami.”

“Eh siya ba kuntento na magkaibigan lang kayo.” –Claire

“Haaaaaayy. Hindi mo naiintindihan. Ganito kasi yun.....”

Kinwento ko kay Claire ang mga napag-usapan namin ni Drew kanina. Seryoso kaming nag-usap. Pinaintindi ko sa kanya na alam kong takot nang maiwan si Drew. Ang haba ng pinag-usapan namin. Hindi siya masyadong nagsalita, nakikinig lang siya sa akin. Alam kong naiintindihan niya ako dahil tumatango naman siya.

=__________________=

Pero akala ko lang pala yun. Akala ko naiintindihan niya ko. Nakalimutan ko nanamang isang abnormal at kalahati tong mahal kong bestfriend.

Back off.. Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon