Chapter 13 - "Behind the Wall"

6.6K 134 5
                                    

Abby’s POV

 

 

“ANO?? LUMABAS KA NANAMAN SA OSPITAL???”, sigaw ni Claire sa telepono. Tinawagan ko kasi siya dahil hindi ko nasagot ang tawag niya kanina.

“Sorry bestie, naiinip kasi ako dun e, wag ka mag-alala pabalik na ako.”

“Na saan ka ba? Pupuntahan kita.”

“Hindi na kailangan. Nakakahiya kay Alex, mag-enjoy kayo bestie.”

“Napakapasaway mo kasi bruha ka. Alam mo namang delikado pag mag-isa ka.”

 

 

Haaaay, sabe na nga ba papagalitan ako ni Claire e. Di ko naman siya masisi dahil alam kong nag-aalala lang siya sa akin. Pero wala naman siyang dapat ipag-alala dahil okay na okay naman talaga ako. Mas nakakapanghina pag nasa ospital lang.

“Sorry na bestie, wag ka na alala pleeeaaase. Eto na oh, lapit na ko sa ospital. Ba-bye na wah? Enjoy!”

*tootoootoootooot

 

 

Nag-end call na ko dahil kailangan ko nanamang dumiskarte kung paano papasok sa loob nang hindi nakikita ni kuya guard.

*TIIIIINNNNGGGG! LIGHTBULB!

Kumuha ako ng bato, tapos binato ko yung bintana ng guard house. YEY! Lumabas si manong guard. Dali-dali akong tumakbo nang payuko. Weeeeeeeeee! Wagi nanaman ang diskarte ko! Insert evil laugh here!

Dumeretso akong muli sa pond sa likod ng ospital. Ayoko pang bumalik sa room ko dahil mag-isa nanaman ako doon. Tulad ng dati, umupo ulit ako sa favorite bench ko na malapit sa pond at nasa ilalim ng malaking puno. Kahit anong oras talaga masarap umupo dito.

Pumikit ako habang dinadama ang simoy ng hangin. Kahit summer, malakas pa rin ang hangin dito.

“What about tonight?”

 

 

 

 

“I’ll pick you up!”

 

 

 

O____________________O

Back off.. Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now