Chapter 34: Camping

140 12 5
                                    

EIJI’S POV:

For the past two months unti-unti ng bumalik si Azalee sa dati…

Yung Azalee na makulit at mapang-asar. Natutuwa din ako dahil nakikita ko na ung side niya na isip bata.

Akala ko kasi dati matured na siya, pero hindi pala. Marami pa pala akong dapat malaman sa kanya.

Mas nagkaroon na din ako ng tiwala sa kanya, ayos na din kami ni Terence at Azalee.

Sa ngayon, ang ginagawa namin ay…

“Pffftt…. Teka wag diyan!”, sigaw ni Azalee

“Ang cute mo kasi, kita mo oh namumula ka na agad”

“Pagod na ko… Tigil na tayo”, akmang tatayo na siya kaya pinigilan ko

“Ayoko nga… Roaaaarrrr!”

“a-Ano ba!”

TUUUGGGGSSSHHHH!!

“haha! Biruin mo yun nahulog ka? Ang likot mo kasi eh!”, pang-aasar ko sa kanya

AZALEE’S POV:

Nakahiga si Eiji sa sofa, at nasa ibabaw niya ako… Pano naman kasi sinakop na niya yung buong upuan…

At oo naglalambingan kami… Kami na sweet… Kaso bigla niya akong kiniliti kaya….

TUUUGGGGSSSHHHH!!

“haha! Biruin mo yun nahulog ka? Ang likot mo kasi eh!”, pang-aasar niya sakin

Nakakainis tong lalaking to, nahulog na nga ako tinatawanan pa din ako… Ni hindi man lang ako tinulungan tumayo…

Minsan gentleman, minsan naman hindi. Ang gulo niya!

Tumayo ako at tinignan ko muna siya ng masama saka ako tumalikod… Pero biglang tumunog ang cellphone niya kaya napahinto din ako…

“Hello?... Oo ready na kami… Sige… bye”, pagkababa niya ay agad din akong lumapit

“anong sabi?”

“Nadaanan na nila yung iba. Sunod na daw tayo”

***

“Bru!!! Ang ganda dito no? It’s so calm! It’s so fresh! It’s so beautiful!”, sigaw  ni Desire

Hay! Ang bruha ang dami agad nasabi…

Nandito kasi kami ngayon sa resthouse nina Diana sa Tagaytay para magcamping…

Bakasyon kasi namin ngayon dahil malapit ng mag-undas kaya naisip muna naming magliwaliw… 4 days and 3 nights kami kaya masaya talaga diba?

Matapos naming magsight-seeing ay pumasok na kami upang hanapin ang mga kwarto namin. Syempre alam naman nila na mag-asawa kami ni Eiji at iisa kami ng kwarto sa bahay kaya ayun! Pinagsama din kami dito.

*tok* *tok*

Bumungad sa akin ang napakalaking ngiti ni Desire… Ewan parang ignorante! Haha

“Bru! Bilisan mo dyan, aakyat daw tayo ng bundok! I’m so Exzoited!”

“Oo, sige susunod ako sa baba. Kalma ka lang! haha”

EIJI’S POV

“Azalee! Mag-ingat ka nga! Matarik ang daan kaya humawak ka sa mga sanga sa paligid”, bilin ko sa kanya

Syempre kahit na sabihin nating nasa unahan ko siya at handa naman akong saluhin siya, iba pa rin ang nag-iingat di ba?

Naghahanap ako ng mahabang sanga para may maitungkod ng bigla siyang sumigaw…

A Mess We've MAde (*EDITING*)Where stories live. Discover now