Chapter 23: Friends?

184 11 5
                                    

AZALEE’S POV

It’s been two weeks since nangyari yung incident na yun…

At nasabi sa akin ni Eiji kung sino ba talaga ang may gawa…

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala…

Hindi ko nahalata na may gusto siya kay Eiji…

Marahil nasaktan ko siya…

Ako na nga ang may pagkakataong mapalapit kay Eiji pero sinayang ko lang…

***

Papasok na sana ako ng classroom…

“Alam mo bang dahil sayo, ako ang sinisi nilang lahat sa nangyari?”

“Oo nga, nasa loob pala ang kulo mo”

“Tama! Manggagamit ka, lumapit ka kay Azalee para mapalapit ka kay Eiji”

Teka, si Diana ba yung inaaway nila?

BOOOGGSSHH!!!

Ano yun?

Anong nangyayari sa loob?

Kinapitan ko agad yung door knob at binuksan ko ang pinto…

Napalingon naman sila sakin dahil bigla kong binuksan yung pinto…

“Diana? Katherine?”

Nakita kong nakasandal sa pader si Ana, samantalang pinapaligiran siya nina Katherine…

At yung iba naming kaklase? Pinapanuod lang sila…

Lumapit agad ako sakanila

“Katherine itigil niyo yan!”, sigaw ko tapos humarang ako para matakpan si Ana..

“Azalee, umalis ka dyan…”, sabi ni Katherine habang tinitignan ako ng masama

“Hindi ako aalis…”

“Umalis ka na… hindi kita kailangan… manloloko ka…”,

Tapos biglang tumakbo si Diana…

Alam kong galit siya… Pero kailangan ko siyang makausap…

Tumakbo din ako palabas…

Hanap… hanap….

EIJI’S POV

“Hindi ko kayang harapin siya ngayon”

“Hindi ba mas maganda kung magiging magkaibigan ulit kayo?”, tanong ko

“Pagkatapos ng ginawa ko, posibleng ayaw na niya akong maging kaibigan…”, sabi ni Diana

“Paano mo nalaman? Natanong mo na ba siya?”

“hindi… pero hindi ganun kadali yung gusto mong mangyari…”

“Alam kong itinuring mong tunay na kaibigan si Azalee, at ganun din siya sayo… Kailangan niyo lang naman mag-usap…”

“….”

Sigh…

“Sige alis na ako… magsisimula na ang klase…”

At naglakad na ako palayo sa kanya… pero bigla siyang nagsalita

“Alam mo, di ako makapaniwala na kinakausap mo pa din ako hanggang ngayon kahit na alam mong ako ang may kasalanan sa nangyari kay Azalee…”

Humarap ako sakanya…

“Dahil alam kong malulungkot siya kapag nawalan siya ng isang kaibigan… at hindi ko gustong makitang nagkakaganun siya…”

A Mess We've MAde (*EDITING*)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin