Chapter 33: The Revelation?

157 9 12
                                    

AZALEE’S POV

Napapadalas ang pagiging malambing ni Eiji, and for me he’s been acting weird.

No, wait. I’m the one who’s acting weird. Di naman ako dati naapektuhan ng mga paglalambing niya. O baka hindi ko lang napapansin yun dati?

Bakit nga ba niya pinagtiya-tiyagaan ang isang tulad ko? I’m always flirting with other guys.

Kahit na sabihin nating hiningi ni Eiji ang atensyon ko, parang di ko magawa dahil pakiramdam ko ginagamit ko lang siya para kalimutan si Spencer.

He doesn’t deserve to be involved in my problem. And he doesn’t deserve to be treated like a rebound.

Nangako ako sakanya, oo, and yet sa kabila ng mga pinakita ko sa kanya nanatili pa rin siyang andyan para sakin.

Sigh.

Should I go back to the way I used to be? Hmmm. Maybe Yes? Or no? ahhh yes?

ARGH! Para akong baliw na kausap ang sarili ko dito sa garden ng school. Makaalis na nga. Sayang naman ang ganda ko kung mapagkakamalan akong Sisa ng bagong henerasyon di ba?

Tumayo ako sa damuhan at pinagpag ang aking palda. Nagsimula na akong maglakad ng may tumawag sa aking likuran.

“Azalee!” , nilingon ko naman agad dahil pamilyar ang boses na yun.

“O Terence! Ano kailangan mo?”

Ngumiti muna siya at hinawakan ang batok niya. Infairness ang gwapo din pala ni Terence ha.

“a-Ano p-pwede ba tayong dalawa na m-mag-usap? Yung tayo lang?”

I smiled to him in return.

EIJI’S POV

Saan na naman kaya si Azalee ngayon? Hays.

Katatapos lang ng meeting  sa club. Ang usapan namin sabay kaming maglulunch kaya magkikita kami sa garden, pero wala naman siya doon. Saan kaya nagsuot si Azalee?

Tinahak ko ang daan patungo sa huling classroom niya. Nagbabaka-sakali akong nandoon siya.

Pero di ko pa tuluyang nabubuksan ang pinto ay may nagbukas na dito mula sa loob.

“Eiji, anong ginagawa mo dito?”, napakamot lang ako ng ulo sa tanong ni Diana.

“Hinahanap ko kasi si Azalee e, nakita mo ba?”

“Ah oo. Magkasama sila ni Terence kanina galing sa garden. Di ko alam kung saan papunta e.”

“Ganun ba? Sige salamat. Hanapin ko muna sila.”

Nagsimula na akong maglakad.

Lakad..

Lakad..

Lakad..

Hindi naman ako dapat mag-alala di ba? Kaibigan ko si Terence kaya alam niyang gusto ko si Azalee.

Wala naman sigurong relasyon ang dalawa diba?

Pero bakit hindi ako mapakali? May tiwala ako sa kanila. Pero ewan. Hindi ko na alam.

Mabilis na ang lakad ko. Nagtataka siguro yung ibang mga estudyante sa ikinikilos ko, pero wala akong pakealam.

Gusto ko silang makita, gusto kong maniwala na mali yung hinala ko.

Pumunta ako sa may canteen at sa field pero wala sila. Isa na lang ang lugar na di ko pa napupuntahan….

Tumakbo ako agad papuntang rooftop…

Nang makarating ako sa tapat ng pinto, hinawakan ko ang doorknob at huminga ng malalim.

A Mess We've MAde (*EDITING*)Where stories live. Discover now