Chapter 6: The Contract

255 18 3
                                    

EIJI’S POV

“Simple lang naman yung sinasabi dyan eh… First, we need to act as a real couple in front of our parents, that, will assure them that we are getting along… Second, we will divorce automatically pag nakuha na natin yung mana natin sa kanila… Third, if there would be any third party involved, then it’s not big of a deal”

Pinapaliwanag ko sa kanya ang contrata namin... kahit alam kong hindi siya interesado...

“Yeah, yeah… Whatever… Pipirmahan ko lang naman di ba?”

Kinuha niya yung papel na hawak ko, binasa ulit… saka pinirmahan…

Umupo ako sa kabilang couch at nagslouch…

“Darating nga pala sila mom and dad mamaya..”, sabi ko

“ah okay”

“hays.. nga pala, sa susunod please don’t turn off your phone, baka magkaemergency bigla, kagaya kagabi…”

Tapos siya ngumiti naman…

“Ang sabihin mo lang, miss mo na ko agad.. ^_^”

“Di no.. and one more thing… kung uuwi ka ng late magsabi ka… kung makaasta ka, parang di ka babae”

Tumaas yung isa niyang kilay, then she grin..

Tapos bigla siyang tumayo at naglakad papalapit sakin..

Freeze…

AZALEE’S POV

“Di no.. and one more thing… kung uuwi ka ng late magsabi ka… kung makaasta ka, parang di ka babae”

Napataas yung isang kilay ko, at napangiti ako..

Hmmm… alam ko na…

Tumayo ako at lumapit sa kanya

Yung tuhod ko nilagay ko sa pagitan ng legs niya tapos unti-unti akong naglean forward…

Naiimagine niyo ba? Nakaslouch kasi siya…

Tapos nagstiff siya bigla… hahaha, halatang di niya inexpect yun…

I cupped his chin tapos nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya…

At…  ang gwapo niya..

Teka…

Anong bang sinasabi ko?!

EIJI’S POV

Di ko maigalaw yung katawan ko..

Ang lapit kasi ng mukha niya..

Dug dug… Dug dug…

Kinakabahan lang ako di ba?

Ang ganda niya… di ko maiwasang di siya titigan sa mata…

Malapit na… malapit na malapit na…

Bigla siyang huminto… at ngumiti…

“Hinahamon mo ba ako?”, tanong niya…

Hinahamon ko ba siya?

“kung makaasta ka, parang di ka babae”

yun ba yun?

“hi-hindi..”, tss, bat ako nabubulol… para akong nababading…

Buti tumayo na siya ng ayos…

Phew!

Pero I heard her chuckle…

***

Hapon na dumating na sina mom and dad…

Mag-uusap sila Azalee and mom habang nasa kusina…

while Dad was talking on his phone…

Ako? Nanonood lang…

Maya maya lumabas ng kusina si Azalee…

“Eiji wala pala tayong olive oil, bili ka naman…”

“ha? O sige”

After 10 minutes, nakabalik na ko

Nilakad ko lang, malapit lang naman yung supermarket

“O eto…”

Akmang uupo na ko ng biglang…

“ah Eiji bili ka pala ng salad dressing”, tapos ngumiti siya

Naku naman… di ba pwedeng iutos ng sabay sabay?!

“tsk… sige may iba pa ba?” alam ko pilit ang ngiti ko

“Hmmm… wala na… tama… wala na… ^_^”

Umalis na ulit ako para bumili…

Lakad… bili sa supermarket… lakad pauwi…

Pagdating ko ng bahay, kapapasok ko pa lang ng pinto…

“Ah, pwede ka ba bumili ng Salmon?”, bungad sakin ni Azalee

“Kala ko ba wala ka na ipapabili? Tinanong pa kita kanina…”

“Yun kasi gusto ng mommy mo” ^___^

May magagawa ba ako?

“tsss… alam kong pinagtitripan mo ko…”

“hindi ah ^_^” 

Hindi daw pero todo ngisi…

Lumabas na ko para bumili ulit…

***

Sa harap ng hapagkainan… habang hinihintay namin si Dad na may kausap sa phone

“Kamusta naman kayong dalawa?”, tanong ni Mom

“Okay naman po ^_^”, sabi ni Azalee ng nakangiti.. tsss... 

“Opo, medyo nag-aadjust lang kami sa isa’t isa”

“Mabuti naman, ayoko kasing malaman na may problema kayo sa isa’t isa”

Tapos si Azalee uminom ng tubig

“Kelan niyo naman kami mabibigyan ng apo?”, tanong ni Mom

“pfffffff”, muntik pang maibuga ni Azalee yung iniinom niya…

Hmmm… napangiti naman ako…

Hinimas ko yung likod niya, para mahimasmasan…

“Ah Ma, hindi pa po namin napag-uusapan… pero…” tapos tumingin ako kay Azalee

“malay niyo, bago matapos ang taon… o kaya… bago kami magcollege”

*ubo* *ubo*

Yung mukha ni Azalee 

O______O

kami ni mom

^_______^

Sa wakas! Nakaganti din…

Sinipa pa niya ko sa paa… pero di masakit…

Maya maya dumating na din si Dad…

Habang kumakain…

“Eiji..”

“Po?”

Tae... kinakabahan ako...

“I want you to transfer schools at Richmond University, sa school ni Azalee”, Sabi ni Dad

Ah… Lilipat lang pala…

O____O

“WHAAAAATTTT?!”, sabay naming sigaw ni Azalee

==========================================

A/N:  Gets nyo ?  Di naman magulo di ba? 

Next update po bukas... 

tanong/abangan:

-si Eiji lilipat ng school? Ano ng mangyayari?

VOTE  ||  COMMENT  ||  FOLLOW me? friends po tayo pede?

A Mess We've MAde (*EDITING*)Where stories live. Discover now