Chapter 19: Hot Issue Part 1

196 12 8
                                    

EIJI’S POV

“Hahanapin ko kung sino may gawa nito”, sabay gusot ko sa papel

“Umalis na kayo!”, sigaw ni Desi

Tinulak naman paalis nila Terence at Liam yung ibang estudyante…

Pagkatapos nun, naglakad ako papuntang faculty area…

Kay Spencer…

Hindi na ako kumatok… Binuksan ko agad yung pinto, na ikinagulat niya…

Tapos binato ko sakanya yung papel kanina…

SPENCER’S POV

Kauupo ko lang ng biglang pumasok si Eiji…

Tapos may binato siyang gusot na papel…

Binuksan ko… At nagulat ako sa nakasulat…

“Eiji Tyllerson’s girlfriend Azalee Mylchreest is having an affair with Mr. Spencer Klein”

May litrato pang kasama…

Hindi ko alam kung anong gagawin ko…

EIJI’S POV

Alam kong nagulat din siya sa nakita niya…

“Nag-ingat dapat kayo! Eto na nga bang sinasabi ko e!”, sigaw ko

“Paano nila nakuha to?”

“Hindi ko alam… Do you have any idea kung sinong pwedeng gumawa niyan?”

“Wala… E ikaw?”

“Wala din… Nag-aalala ako para kay Azalee…”

“Ako din…”

AZALEE’S POV

Naunang pumasok si Eiji dahil may meeting daw… kaya mag-isa ako ngayong naglalakad…

Pagdating ko sa school, may kakaibang aura yung mga estudyante…

Grabe nakakakilabot >.<

Yung mga tingin nila, para nila akong sinasaksak…

Lahat sila ganun ang tingin, hanggang sa makarating ako ng classroom…

Walang pinagbago, ganun din sila makatingin… Hindi ko alam kung bakit, basta isa lang ang naiisip ko… May nangyaring hindi ko alam…

Umupo na ako sa pwesto ko… Wala pa rin sila Ana at Bru… T.T huhuhu

“grabe ang lakas pa rin ng loob niyang pumasok”

“oo nga di na nahiya, ang landi!”

“dalawang hot pa sa campus”

“tama! Mas malala pa siya kay Katherine”

“oo kasi si Katherine hanggang tingin at salita lang, e siya? Flirt talaga!”

“hahaha tingin niyo virgin pa ba yan?”

“I don’t think so hahahaha”

Nakakainis… Ano ba yung pinaguusapan nila?

At sino yung malandi? Ako ba yun? Ako lang kasi OP dito e… 

T.T huhuhu… I’m alone and everything

Biglang bumukas yung pinto ng room tapos nakita ko ang dalawang knight in shining armor ko!!

Chos! Savior lang… Sina Ana at Desi lang, sa wakas may makakausap na din… ^_^

Kaso… Mukhang problemado sila…

DIANA’S POV

Pumasok kami sa room ni Desi, kanina kasi kinausap ni Eiji si Spencer…

Aalamin daw nila kung sino…

Nakakaawa naman si Azalee…

Lalo na yung tinitingnan ka ng masama… Naranasan ko na kasi yun…

EIJI’S POV

Pagpasok ko ng room… Yung mga classmates ko tanong ng tanong…

Kesyo, kung totoo daw ba yung balita? Kung alam ko daw ba yung tungkol dun? Kung single na daw ba ako? At kung ano ano pa…

Lahat nonsense questions! Lalo lang ako hindi makapag-isip..

Arggghh!!  Biglang tumunog yung speaker

“AZALEE MYLCHREEST IN CLASS 2, EIJI TYLLERSON IN CLASS 1 AND MR. SPENCER KLEIN, PLEASE GO TO THE PRINCIPAL’S OFFICE IMMEDIATELY….

I REPEAT, AZALEE MYLCHREEST IN CLASS 2, EIJI TYLLERSON IN CLASS 1 AND MR. SPENCER KLEIN, PLEASE GO TO THE PRINCIPAL’S OFFICE IMMEDIATELY….”

***

“Alam niyo na siguro yung kumakalat na balita?”, sabi nung Principal

Tumango lang si Azalee… Mukhang nasabi na sa kanya nila Desi…

Nagbuntong hininga naman yung principal…

“Well, tiningnan namin yung mga cctv kung sino ang nagpost, kaso we can’t recognize her”

Her? Babae? Pero bakit at sino?

“Can we look at the video? Maybe we can identify her”, sabi ni Spencer

Buti naman naisip niya yun… Siya gumawa ng gulo na ito… Kung hindi siya bumalik, okay sana kami ni Azalee ngayon…

Then the secretary plays the video… But we couldn’t tell who she is…

Nakatalikod siya sa camera, at nakahoodie… Pero mukhang estudyante lang din dito, dahil alam niya kung saan dapat dumaan at alam niyang may camera…

Sino? Sino ang babaeng yun?

=======================================

A/N: Sino ang babaeng may kagagawan ng lahat? Ano naman ang nagawa ni Azalee sa kanya?

 May idea ba kayo kung sino at ano?

 PLEASE FOLLOW ME  ||  VOTE  ||  AND LEAVE A COMMENT!

A Mess We've MAde (*EDITING*)Where stories live. Discover now