Epilogue (December 09, 2011)

1M 12.7K 3.6K
                                    

DATE POSTED: December 09, 2011


EPILOGUE

"Still famous eh?" sabi ni Harley kay Elisa habang sabay silang naglalakad sa pasilyo ng istasyon ng TV. Maraming masiglang bumabati kay dito. Matagal itong nawala para ituloy ang pagaaral sa ibang bansa.

"Famous for my crimes?" pabirong saad ni Elisa. Ngayon lang sila muli nagkita simula ng umalis ito. Ang dahilan ng pagalis nito? Marahil ang mga kinakaharap na intriga, o ang di sinasadyang pagkawala ng isang munting buhay noon. Pero hindi na niya tinanong. Hindi niya na itatanong.

"Tsss.." napapailing niyang sagot "Not crimes... no... Every celebrity has a slot for the worst issues and intrigues. So how are you, tatanggapin mo ba ang alok na pumirma ka dito ng kontrata katulad ni Kent kaya ka nandito??"

Ilang taon na rin mula ng lumipat ng si Kent. Medyo maliit man ang kompanya kaysa sa dati nitong label, wala namang sagradong batas na kailangan sundin, tulad ng pagbabawal sa pag-aasawa. At ngayong nagbalik na si Elisa, binigyan din ito ng offer ng kompanya.

"Uhmm.. I'll weigh the options and let's see after ng talk namin ng project manager niyo." Iyon naman ang ipinunta nito doon eh. Malapit na sila sa office ng department ng may lumabas mula sa isang waiting room.

"You!!" sigaw ni Jhone ng makita si Elisa sabay turo. Nasa tabi nito si Philip na may hawak-hawak na malalaking kamera at lente. Bakas ang pagkabigla sa mukha ng dalawa.

"Yes... Me. And you... two??? Sara niyo yung bibig niyo baka mapasukan ng langaw." Bati ni Elisa sa reaksyon ni Jhone at ni Philip.

"Elisa..." suway ni Harley.

"Sorry..." lumalabas na naman kasi ang kamalditahan niya. "You're just making it so obvious na I'm jaw-dropping like that."

"So you're really back?" di pinansin ni Jhone ang sinabi ni Elisa, marahil sanay pa rin siya sa ugali nitong hindi na matatanggal.

"For good, yes. Excuse me lang, I have an urgent matter to attend to." Humalik ito sa pisngi ni Harley. "Hi Phil..." at kumaway lang ito sa banda ni Philip.

Napailing na lang si Jhone habang naglalakad ito papasok sa Interactive Department.

"Di pa rin nagbabago..." sabi ni Philip.

"Maganda pa din nuh? Di pa rin nagbabago nuh? Siya na! Siya na talaga! Baka pati feelings mo di pa rin nagbabago." Mataas na boses ni Jhone.

"Ano? Sabi ko di pa rin nagbabago yung ugali niya. Nasa nature niya na ang pagiging.. uh.. ewan."

"Talaga? Yung ugali yung pinapatungkulan mo doon? Hindi yung itsura?"

"Are you.. a couple???" singit bigla ni Harley na nagpatigil sa dalawa. "Tska... bakit ka nandito???" baling nito kay Jhone.

"I just had a photoshoot..." maang na sagot ni Philip habang itinataas ang kamerang nakasabit sa leeg.

"Uhmmm..." halatang nag-iisip ng isasagot si Jhone. "ANO... HINAHANAP KO SI KENTSUNGET! YUN! YUN NGA! Nasaan ba yun? Nag-away kasi sila ni Fibboy, sasapakin ko sana."

"Nagaaway?" tanong ni Harley.

"What's new? Nasaan na yun Busy na naman siya sa career niya ha!?? Dapat talaga di na pinagan ni Fibboy yun bumalik sa pag-aartista."

"Pero ggraduate na naman kayong lahat ah! Ang galing nga nitong sila Harley at Kent eh. Napagsabay nila."

Napatitig na lang si Jhone kay Philip. Oo nga, makakatapos na sila ng pagaaral. Lahat sila. Konting tumbling na lang. Pero hindi naman yun ang punto niya. Palagi talaga siyang tinatabla ni Philip.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon