26

5.2K 60 1
                                    


Danica

"Ice hindi ka pa ba pagod?"

"I never get tired of you wife."

"Ice naman eh. Pagod na ko." Niyakap ko naman siya.

"Pero wifey.."

"Sige na Ice. Bukas na lang ulit pleasee." Inaantok na talaga ako.

"Bukas? Okay. Tulog na tayo. I love you wife."

"Love you too husband ko."

Yes were married three months ago. 💑 💏💍

Last month nagkita ni Aly, Drake, Dhea, Ivan at ang mga anak nila. Nag bonding din kami kasama ang mga babies namin.

Si Ian at Tiffany ay hindi nakadalo busy din kasi sila kaya ok lang may regalo naman din silang binigay.

Tulog muna ako ha. Nakakapagod basta energize na energize si Ice. Goodnight Ciao!💤

--

"Papa bakit tulog pa si Mama? I want to wake her up na."

"Sssh Icy wag kang maingay magigising si mama."

"Pero kuyaaaaa."

"Quiet na baby. Hintayin nalang natin na magising si mama ha."

"Okay po." May yumakap naman sakin.

"Mama gising ka na po." kiniss ng kiniss naman niya yung pisngi ko.

"Icy!"

"Hinalikan ko lang naman si Mama ah."

"Baka magising mo siya."

Hindi ko na mapigilan kaya gumising na ako."Good morning babies."

"Oh tignan mo nagising tuloy si Mama. Ikaw kasi eh."

"Mama oh kanina pako inaaway ni kuya." Nakasimangot na sumbong ni Icy.

"Tumigil na kayo. Nasan papa niyo?"

"Nasa baba po. Nag prepare ng breakfast."

"Sige na baba na kayo."

"Okay mama." Bumaba naman sila sa kama at lumabas ng kwarto.

Niligpit ko muna yung unan at kumot. Naghilamos na ako at nagpalit ng damit.

Ng makababa na ko ay nakita ko yung kambal na nasa sala nanonood ng tv. Pinuntahan ko naman si Ice na nasa kusina.

Nasa likod ako ni Ice na busy sa pagluluto habang sinasabayan ang kantang Latch.

Niyakap ko naman siya "Hubby ang ganda ng boses mo. Nakakakilig." Sinubsob ko naman yung muka ko sa likod niya. Ang bangooo.

"Wifey. Gising ka na pala." Humarap naman siya sakin at hunawakan yung pisngi ko at binigyan ng mabilis na halik sa lips." Love you."

Ngumiti naman ako." Love you toooo."

"Tataposin ko muna to ha. Upo ka nalang jan." Umupo naman ako sa upuan na kaha harap sa lababo.

"Hubby may sasabihin ako." Hamagikhik naman ako.

"Ano yun wifey?" Tanong niya habang nakatalikod parin.

"I'm pregnant."

Natigilan naman si Ice sa ginagawa at slow motion na timingin sakin. "Talaga?" Tumango naman ako. Bigla naman akong niyakap ni Ice. "Thank you wifey. I love you. Mahal na mahal kita."

"I love you din from moon to back."

"Ilang months na?"

"1 month and three weeks na."

"Gusto mong magpacheck-up tayo?"

"Okay lang."

"Sige pagkatapos nating kumain." Kiniss naman niya yung forehead ko.

"Sige na magluto kana. Nagugutom na sila Icy. Bilisss gutom na din kami."

"Yes Maam." Nag salute naman siya.

Pinuntahan ko muna yung kambal na busy sa panonood ng tv.

"Hai babies."

"Hi mama."

Lumapit naman si Icy at niyakap ako. "Mama si kuya nilipat nanaman yung channel."

"Hindi no."

"Ssh quiet na. Wag na kayong mag-away. Anong sabi ni mama?"

"Dapat hindi nag aaway ang magkakapatid dapat nag mamahalan."

"Sorry."

Lumapit naman si Zac at niyakap si Icy. "Ok lang. Tapos na man din kasi yung pinapanood mo. Kaya pagbalik mo galing sa room iba na yung palabas."

"Sorry kuya."

"Babies bakit kayo naka kandung kay mama baka maipit yung baby." Napalingon naman sila kay Ice.

"Baby? Sino po ako?" Tanong ni Icy.

Umupo naman si Ice sa tabi ko at kinuha yung kambal at pinaupo sa lap niya.

"May baby na kasi dito." Hinaplos naman ni Ice yung tyan ko.

"Talaga po?" Shock na tanong ni Icy habang nakabilog yung mata. Tumango naman si Ice. Pero biglang kumunot yung noo ni Zac.

"Paano?" Tumingin naman siya sakin." Mama kinain niyo po yung baby?

Tumawa naman kami ni Ice. "Hindi baby. Basta hindi niyo pa maiintindihan kaya be happy nalang ha kasi may kapatid na kayo."

"Okay po." Hinawakan naman ni Zac yung tyan ko. "Hello baby si kuya Zac mo to. Hellooo." Kiniss naman niya ito. "Mwaaa."

"So papa may tatawag na sa akin na ate?"

"Yes baby."

"Hello baby simula ngayon ate na tawag mo sakin ha. Ako nga pala ang ate Icy mo. Love you baby."

"Sige tama na yan kakain na tayo. Tapos ipapacheck-up natin si Mama ha."

--

Nasa hospital na kami at kausap namin ngayon yung doctora.

"Ok Mr. and Mrs. Heluxus the baby is fine. Healthy naman siya. Para kay misis kumain lang po kayo ng healthy foods. Wag magpa-stress. Normal naman yung pagiging emotional and expect morning sickness."

"Thank you po doc. Kailan po malalaman kung ano ang gender ni baby?"

"Mga five to six months po Mr."

"Ah okay po. Thank you po." Tumango naman si Doc and we said our goodbyes.

Nasa kotse na kami papuntang mall.

"Babies saan niyo gustong kumain?" Tanong ko sa kanila.

"Hmm sa jollibee?"

"Chowking."

"Okay sa chowking nalang. Okay lang ba princess?"

"Opo."

--
Hey you. Yes ikaw. Oo ikaw. Wala lang hahahaha. Thank you sa pagbabasa nito. Malapit na po itong mataposssss. Ilang chapters nalang to goooo. AJA!

#BeingSnob

Being Snob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon